Ebanghelyo: Juan 7:1-2, 10, 25-30
Pagkatapos nito, naglibot si Jesus sa Galilea. Ayaw niyang maglibot sa Judea dahil balak siyang patayin ng mga Judio. Malapit na ang piyesta ng mga Judio, ang piyesta ng mga Kubol. Pagkaahon ng kanyang mga kapatid sa piyesta, umahon din naman siya pero palihim at hindi lantad.
Kaya sinabi ng ilang taga-Jerusalem: “Di ba’t ito ang balak nilang patayin? Pero tingnan n’yo’t lantaran siyang nangungusap, at wala silang anumang sinasabi sa kanya. Alam nga kaya ng mga pinuno na siya ang Kristo? Pero alam natin kung saan siya galing. Ngunit pagdating ng Kristo, walang makaaalam kung saan siya galing.” Kaya nang mangaral si Jesus sa Templo, pasigaw niyang sinabi: “Kilala n’yo nga ako at alam n’yo kung saan ako galing! Ngunit hindi ako pumarito sa ganang sarili ko. Ipinadala ako ng Totoo na hindi n’yo kilala. Kilala ko siya pagkat sa kanya ako galing at siya ang nagsugo sa akin.”
Balak nilang dakpin siya ngunit walang nagbuhat sa kanya ng kamay sapagkat hindi pa sumasapit ang kanyang oras.
Pagninilay
“Kilala nyo nga ako at alam ninyo kung saan ako galing” (Jn 7:28). May dalawang uri daw ng tao; ang napakadaling maniwala at ang mga hindi basta-basta naniniwala. Ang una’y madaling mapagsaman-talahan; ang pangalawa’y mga se-guristang hindi makalalaya sa luma at makitid na kaisipan.
Dapat nga ba nating kilalanin ang isang tao upang mapagpasya-han kung siya’y mabuti o masama? Galing sa bundok yan, kaya wa lang alam. Galing sa ibang bansa yan, kaya’t tiyak na dalubhasa.
Si Jesus ay nakilalang karpintero dahil sa mga nakaaalam na siya ay taga-Nazareth. Hindi nila matang-gap na siya ay ang Kristo dahil hindi naman nailathala na isinilang sya sa Bethlehem.
Ang laIim ng misteryo ng isang tao ay hindi maaring ibatay lamang sa panlabas. At gaya ng isinasaad ng unang pagbasa, ang kasamaan ay bumubulag sa kaisipan ng tao. Pati ang panlabas na makadadag-dag sana upang makita ang katoto-hanan ay magiging dahilan upang itakwil ang kabutihan. Hindi na isinasaalang-alang ang batas at ma-buting samahan; anumang salungat sa makasariling nais at nakaugalian ay itinuturing kaagad na hadlang na dapat iwaksi. Ang turo ni Jesus ay: “Humatol kayo nang matuwid; huwag sa anyo.”
© Copyright Pang Araw-Araw 2022