Ebanghelyo: Juan 10:31-42
Muling dumampot ng mga bato ang mga Judio para batuhin siya. Sinagot sila ni Jesus: “Maraming ma bubuting gawa mula sa Ama ang itinuro ko sa inyo. Dahil sa alin sa mga ito at binabato n’yo ako?” Sinagot siya ng mga Judio: “Binabato ka namin hindi dahil sa isang mabuting gawa kundi dahil sa paglapastangan, pagkat gayong tao ka, itinuturing mong Diyos ang iyong sarili.” Sumagot sa kanila si Jesus: “Di ba’t nasusulat sa inyong Batas: Sinabi ko, mga diyos kayo? Kaya tinawag na mga diyos ang mga kinakausap ng salitang ito ng Diyos, at hindi mapawawalang-saysay ang Kasulatan. Kung gayon, bakit n’yo sinasabing lapastangan ako sinasabi kong Anak ako ng Diyos – ako na pinabanal ng Ama at sinugo sa mundo?
Kung hindi ko tinatrabaho ang mga gawa ng aking Ama, huwag n’yo akong paniwalaan. Kung ginagawa ko naman, kahit na hindi kayo naniniwala sa akin, paniwalaan ninyo ang mga gawa. Kaya malalaman n’yo na nasa akin ang Ama at ako’y nasa Ama.”
Kaya muli nilang pinagtangkaang dakpin siya ngunit nakatalilis siya sa kanilang kamay. At muli siyang lumayo pakabilang-ibayo ng Jordan sa lugar na pinagbibinyagan ni Juan sa simula. At doon siya namalagi. Marami ang pumunta sa kanya at kanilang sinabi: “Wala ngang ginawang tanda si Juan pero totoong lahat ang sinabi ni Juan tungkol sa kanya.” At doo’y marami ang nanalig sa kanya.
Pagninilay
Sino nga ba ang makaaarok sa nilalaman ng puso’t isipan ng isang tao? Tanging Diyos lamang ang may tamang kaalaman sa nilalaman nito. Kaya’t dala ng karupukan ng tao, napakadali ang manghusga at mahusgahan. Lalo’t higit kung ang ating paniniwala at paninindigan ay ibang-iba sa naka-rarami.
Katulad ni Propeta Jeremias at ng ating Panginoon Jesus, tiyak na makararanas ng pag-uusig at pang-huhusga ang taong nais sumunod nang tapat sa mga halimbawa at utos ni Jesus. Sapagka’t ang kanyang mga turo ay taliwas sa pananaw ng mundo. Sabi ni San Pablo, “ang pagtitiwala na ating dinaranas nga yon ay walang-wala sa panga-kong kaluwalhatiang ating matata-mo pagdating ng panahon.
Maging matatag nawa tayo sa paninindigan sa katotohanan. Magtiwalang ang Panginoon ay ka ilan man hindi nagpapabaya lalo’t higit sa mga taong marunong makinig at sumunod sa Kanya. Tapat ang ating Panginoon kaya’t sila ang ating ka panatagan.
Manabik na tayo sa gantimpa-lang pangako ng ating Diyos Ama. Ating hilingin ang gabay at tulong ng ating Mahal na Inang Maria.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022