Ebanghelyo: Juan 20:19-31
Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Jesus at pumagitna. At sinabi Niya sa kanila: “Kapayapaan sa inyo!”
Pagkasabi nito, ipinakita Niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon.
At muli Niyang sinabi sa kanila: “Kapayapaan sa inyo! Kung paanong isinugo ako ng Ama, ipinadadala ko rin kayo.” At pagkasabi nito, hiningahan Niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatilihin.”
Hindi nila kasama si Tomas na tinaguriang Kambal, na isa sa Labindalawa, nang dumating si Jesus. Kaya sinabi sa Kanya ng iba pang mga alagad: “Nakita namin ang Panginoon!” Sinabi naman Niya: “Maliban lamang na makita sa Kanyang mga kamay ang tatak ng mga pako at maipasok ang aking daliri sa pinaglagusan ng mga pako at maipasok ang aking kamay sa tagiliran Niya, hinding-hindi ako maniniwala!”
Makaraan ang walong araw, muling nasa loob ang Kanyang mga alagad at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus habang nakasara ang mga pinto at pumagitna.
At sinabi Niya: “Kapayapaan sa inyo!” At sinabi Niya kay Tomas: “Ilapit mo rito ang daliri mo at tingnan ang aking mga kamay. At ilapit ang kamay mo at ipasok sa aking tagiliran at huwag tumangging maniwala kundi maniwala!”
Sumagot si Tomas sa Kanya: “Panginoon ko at Diyos ko – ikaw!” Sinabi sa Kanya ni Jesus: “Dahil ba sa nakita mo ako kaya ka naniniwala? Mapapalad ang mga hindi nakakita at naniniwala.”
Ngayon, marami pang ibang tandang ginawa si Jesus sa harap ng Kanyang mga alagad, na hindi naman nasusulat sa kasulatang ito. Isinulat naman ang mga ito upang maniwala kayo na si Jesus ang Kristo, ang Anak ng Diyos. At sa paniniwala ninyo’y magkaroon kayo ng buhay sa bisa ng Kanyang Pangalan.
Pagninilay
The gospel for today’s liturgy presents the first resurrection appearance of Jesus to his disciples as a community. Just few days ago he was betrayed, denied, abandoned, nailed and killed. Yet there is no ill-feelings of Jesus; no reproach against his disciples. His first words are: Peace be with you! Peace!, because Jesus has overcome death and with it all kinds of selfishness, all anger, all hate. His resurrection brought reconciliation and abounding love. In the experience of true life and true happiness, there is no room for reproach; there is not even remembering of the wrong done. How different our human ways are. We keep evil in our hearts that sometimes we succumb to its workings. So we can not experience true peace, true joy, and true life. Jesus did not only greet peace to his disciples. He brought them a gift: the Holy Spirit! And the first act of the Spirit is forgiveness. It is through the power of the Holy Spirit that forgiveness is possible. Jesus invites his disciples to participate in his resurrection by forgiving, just like Jesus did: no reproach but peace. The second reading reminds us of this invitation: “Paano natin malalaman na mahal natin ang mga anak ng Diyos? Kung mahal natin ang Diyos at tinutupad natin ang mga utos niya.” In the first reading, the disciples too witnessed the resurrection by caring for needs of each other: “Nagpatotoo nang may dakilang kapangyarihan ang mga apostol tungkol sa Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesus at nadama nilang lahat ang kagandahang-loob ng Diyos. Walang maralita sa kanila; ipinagbili nga ng may lupa o bahay ang mga iyon, at inilalagay sa paanan ng mga apostol ang pinagbilhan; at ipinamahagi naman iyon ayon sa pangangailangan ng bawat isa.”
© Copyright Pang Araw-Araw 2021