Ebanghelyo: Mateo 26:14-25
At pumunta sa mga punong-pari ang isa sa Labin-dalawa, ang tinatawag na Judas Iskariote, at sinabi: “Mag-kano ang ibibigay ninyo sa akin kung ibibigay ko siya sa inyo?” Inalok nila ito ng tatlumpung baryang pilak, at mula noon, naghanap ito ng pagkakataong maipagkanulo siya.
Sa unang araw ng Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, lumapit kay Jesus ang mga alagad at sinabi sa kanya: “Saan mo kami gustong maghanda ng Hapunang Pampaskuwa para sa iyo?” Sumagot si Jesus: “Puntahan ninyo ang lalaking ito sa lunsod at sabihin sa kanya: ‘Sinasabi ng Guro: malapit na ang oras ko at sa bahay mo ako magdiriwang ng Paskuwa kasama ng aking mga alagad’.”
At ginawa ng mga alagad ang lahat ng iniutos ni Jesus at inihanda ang Paskuwa.
Pagkalubog ng araw, nasa hapag si Jesus kasama ng Labindalawa. Habang kumakain sila, sinabi ni Jesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.” Lubha silang nalungkot at nagtanong ang bawat isa: “Ako ba, Panginoon?”
Sumagot siya: “Ang kasabay kong nagsawsaw ng tinapay sa plato ang magkakanulo sa akin. Patuloy sa kanyang daan ang Anak ng Tao ayon sa isinulat tungkol sa kanya ngunit kawawa ang nagkakanulo sa Anak ng Tao; mas mabuti pa para sa taong ito kung hindi na siya ipinanganak pa.” Nagtanong din si Judas na magkakanulo sa kanya: “Ako ba, Guro?” Sumagot si Jesus: “Ikaw na ang nagsabi.”
Pagninilay
May kasabihan tayong mada-ling maging tao, mahirap magpakatao. Gayundin na man madaling maging Kristiyano, mahirap magpaka- Kristiyano.
Sa Unang Pagbasa, “Tinuruan akong magsalita ni Yaweng Pan-ginoon upang malaman ko ang salitang magpapasigla sa nanlulu-paypay.” Ang pagiging Kristiyano ay pagiging disipulo ni Kristo. Tinutu-ruan Niya tayo, at masugid naman tayong nakikinig upang isakatu-paran ang kanyang mga turo. Ni-likhang may karunungan ang tao. Kaya’t napakadaling paniwalaan na ang isang turo (tulad ng paki-kipagkapwa-tao) na ipinaliwanag at naintindihan ay nagiging bahagi na ng ating katauhan. Subalit hindi sapat na maunawaan ito; kinakailan-gan itong isabuhay. Kailangan ng pagsasanay, pagpapatibay at pag-papanatili. Hindi sapat na magawa mong minsanan. Sa paulit-ulit na pagsasakatuparan ng turo at utos ng Guro, doon nating matutuklasan ang lawak at lalim ng karunungang nais Niyang ibahagi sa atin. Sa paulit-ulit na paggawa, namimihasa tayo sa kabutihang likas sa Diyos ngunit hindi likas sa taong nabahiran na ng kasalanan. Sa ganitong “pag-aaral” at pagsasanay lamang natin mai-iwasan ang pagkakanulo ng mabu-ting simulain at hangarin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022