Ebanghelyo: Mateo 16:13-23
Pumunta noon si Jesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.”
Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?” At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Sumagot naman si Jesus: “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit.
At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihanng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.”
itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.”
At inutusan niya ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya nga ang Mesiyas. Mula sa araw na iyon, ipinaalam ni Jesucristo sa kanyang mga alagad na kailangan siyang pumunta sa Jerusalem: pahihirapan siya ng mga Matatanda ng mga Judio, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw. Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan: “Huwag sana, Panginoon! Hindi ito puwede.” Ngunit hinarap ni Jesus si Pedro at sinabi sa kanya: “Sa likod ko, Satanas! At baka mo pa ako tisurin. Hindi sa Diyos galing ang iyong iniisip kundi mula sa tao.”Naniniwala marahil si Jesus na bagamat negatibo ang tingin sa kanila ng mga tao, para sa kanya mayroong pwedeng gawin na magiging malaking ambag para sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Sa puntong ito, nagtanong si Jesus kung sino ba Siya para sa kanila? Ang mga alagad ay kilalang-kilala ni Jesus. Ganoon din ba sila sa Kanya? Matapos ipahayag ni Pedro kung sino Siya, binigyan niya ito ng papuri. Ngunit matapos ding tutulan ni Pedro ang misyon na dapat niyang tapusin, sinaway siya ni Jesus.
Pagninilay
Ito sa tingin ko ang problema sa mga magkakarelasyon. Hindi dahil tumatagal at nakikilala na natin ang isa’t isa ay mayroon na tayong karapatang pagbawalan o kontrolin ang bawat isa. Tayo ay nakakaramdam ng pagkasakal na umaabot sa hindi masayang pagsasama. Ang mainam sana ay tayo ang nakakatulong na abutin ang ating mga pangarap. Tayo ang makatulong na magampanan natin ang ating mga misyon. Tayo ang makatulong upang mapalabas ang likas nating mga galing at talento. Nakakalungkot na ang mga taong inaasahan nating tutulong sa atin ay sila pa ang nagiging hadlang para mailabas ang ating mga “potentials”. Kilala tayo ni Jesus at naniniwala Siya na kaya nating magbago. Kaya lagi Siyang nariyan para tayo’y tulungan at upang mas makilala pa natin ang ating mga sarili.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022