ni Bernard Bacay
Ang dakilang kaibigan ay hindi nagtatangi
lahat ay pantay-pantay at walang pinipili
kahit ika’y nakakalimutan, siya’y nananatili
tapat kung mangako at di nagkukunwari.
Sa iyong paglalakbay at pagpupunyagi
sa mundong makasalanan, puno ng kasamaan
siya ang iyong gabay upang di magkamali
siya ang mabuting kanlungan, sa oras ng kagipitan.
Sa lahat ng kaibigan, siya ay laging maaasahan.
Hindi nagbibilang o nanunumbat,
hindi naghahanap ng sariling kapurihan
bakus inalay ang kanyang buhay sa sangkatauhan.
Kaya’t marapat lamang na siyang papurihan
sa mabuting kaloob na ating nararanasan
ang pagpapasalamat ay huwag sanang kalimutan
paglilingkod ng tapat at maging tunay na huwaran.