Ebanghelyo: Lucas 3:15-16, 21-22
Nananabik noon ang mga tao at nag-isip-isip ang lahat kung hindi nga kaya si Juan ang Mesiyas. At sumagot si Juan sa pagsasabi sa kanilang lahat: “Nagbibinyag ako sa inyo sa tubig pero dumarating na ang isang mas makapangyarihan sa akin. Ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Sa Espiritu Santo at apoy niya kayo bibinyagan. Nang mabinyagan ang lahat ng tao, nabinyagan din si Jesus. At nabuksan ang langit habang siya’y nananalangin. Bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa pangkatawang hugis ng isang kalapati at narinig mula sa langit ang isang tinig: “Ikaw ang aking Anak, ang aking Minamahal, ikaw ang aking Hinirang.”
Pagninilay
naging Santo Papa?” Ang tugon niya, “Hindi, anak”. “Nang kayo’y naging Obispo?” “Hindi rin anak”. “Kailan po ba?” Ang kanyang naging tugon, “Nang ako’y binyagan, ‘yon ang pinakamahalagang araw sa buhay ko dahil noon ako’y naging ganap na anak ng Diyos”. Nang tayo’y bininyagan, tayo’y naging anak ng Diyos, mga miyembro ng Simbahan at pinatawad sa ating mga kasalanan. Sa pagdiriwang ng Pagbibinyag ni Jesus, hindi maiiwasang magtanong kung bakit kailangan pa siyang magpabinyag kung wala naman siyang kasalanan, at kung siya mismo ang Diyos. Noong Pasko ng Pagsilang, ipinagdiwang ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos. Bagamat siya’y Diyos, ibinaba niya ang kanyang sarili para maging katulad natin, upang tayo, na mga karaniwang tao, ay maging katulad ng Diyos. Ngayon, nang lumusong si Jesus sa tubig, dala niya ang ating mga kasalanan at hinugasan ang mga ito sa ilog; at nang siya’y umahon, tayo ang naging malinis. Nagpabinyag si Kristo alang-alang sa atin; bilang ating kapatid, nakibahagi sa ating pagiging makasalanan, bagamat wala siyang pagkukulang. Nang malaman ni Cynthia na siya’y may cancer, agad nagsimula ang kanyang chemotherapy at unti-unting nanlagas ang kanyang buhok hanggang sa ito’y maubos. Dinalaw ko ang kanyang pamilya para magdasal, napansin ko na pati asawa niya ay nagpakalbo. Mapait man ang kanilang pinagdaraanan, tila sila’y kaaya-aya pa ring pagmasdan. Ang pag-ahit ng buhok ng kanyang asawa upang siya’y damayan ay tanda ng tunay na pag-ibig. Ganyan din ang pag-ibig ni Jesus sa atin. Bilang handog, maaaring sariwain natin ngayon ng buong puso ang mga pangako sa binyag.
© Copyright Pang Araw-araw 2025