Ebanghelyo: Marcos 14:12-16, 22-26
Sa unang araw ng Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, nang kinakatay ang mga tupang pampaskuwa, sinabi kay Jesus ng kanyang mga alagad: “Saan mo kami gustong pumunta para maghanda ng Hapunang Pampaskuwa para sa iyo?”
Kaya ipinadala niya ang dalawa sa kanyang mga alagad sa pagsasabing: “Pagpunta ninyo sa lunsod, sasalubungin kayo ng isang lalaking may pasang isang bangang tubig. Sumunod kayo sa kanya at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay na pupuntahan niya, ‘Ito ang sabi ng Guro: Nasaan ang kuwarto para sa akin para pagsaluhan namin ng aking mga alagad ang Hapunang Pampaskuwa?’ Ituturo niya sa inyo ang isang malawak na silid sa itaas na ayos na at may mga kagamitan. Doon kayo maghanda para sa atin.”
Umalis nga ang mga alagad at pumunta sa lunsod at nakita ang sinabi ni Jesus sa kanila, at inihanda nila ang Paskuwa.
Habang sila’y kumakain, kinuha niya ang tinapay, at matapos magpuri sa Diyos, pinaghati- hati niya iyon at ibinigay sa mga alagad habang sinasabi: “Kunin ninyo; ito ang aking katawan.” Pagkatapos ay kinuha niya ang kalis, nagpasalamat siya at ibinigay sa kanila, at uminom ang lahat. At sinabi niya sa kanila: “Ito ang aking dugo, ang dugo ng Tipan, na ibinubuhos para sa marami. Sinasabi ko rin sa inyo: hindi na ako iinom pa ng galing sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos.”
At pagkaawit ng mga salmo pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.
Pagninilay
Ang liturhiya ngayon ay nagmumungkahi ng mga pagbasa para sa kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo. Ang Tipan (Covenant) ay ang pinakamahalagang salita sa lahat ng mga pagbasa ngayon. Ang unang pagbasa ay mula sa Exodo na nagsasaad ng pagtatatag ng tipan sa pagitan ni Yawe at ng bayan ng Israel. Ang ikalawang pagbasa ay isang pagmumuni-muni sa misteryo ni Kristo bilang misteryo ng pamamagitan (mediation) at tipan (covenant) mula sa Sulat sa mga Hebreo. Sa ebanghelyo, ipinapakita ni Marcos ang institusyon ng Eukaristiya bilang ang misteryo ng bagong tipan. From the times of the Old Testament, we already have seen a God who opens Himself to embrace humanity through alliance and covenant- making. With so much care and details, the book of Exodus reminds us the institution of the Sinai covenant as “commandments” which the Israelites wanted to adhere: “Gagawin namin ang lahat ng sinabi ni Yawe!” Thus, the vital union between Yahweh and His people is established. As a response to Yahweh’s benevolence, the Israelites follow His laws; these laws or commandments become a set of “commitments”. In the gospel for today’s feast, Mark presents a very important moment of Jesus’ life: the establishment of the new covenant. We see how the account is carefully crafted, with so much preparations, emotions and details to give utmost importance to this event: “… kinuha niya ang tinapay… at ibinigay sa mga alagad habang sinasabi: ‘Kunin ninyo; ito ang aking katawan.’ Pagkatapos ay kinuha niya ang kalis… at sinabi niya sa kanila: ‘Ito ang aking dugo, ang dugo ng Tipan, na ibinubuhos para sa marami.’” Jesus sealed with his body and blood our covenant with God; yet the final sealing is yet to come: the crucifixion.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021