Ebanghelyo: Mateo 5:20-26
Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong kabanalan kaysa sa mga guro ng Batas at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit. Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay lilitisin. Sinasabi ko naman sa inyo: Ang sinumang magalit sa naalaala mong may reklamo sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong hain sa harap ng altar at puntahan mo ang iyong kapatid para makipagkasundo sa kanya. At saka ka bumalik at ialay ang iyong hain sa Diyos. Makipagkasundo na sa iyong kaaway habang papunta pa kayo sa hukuman, at baka ipaubaya ka niya sa hukom na magpapaubaya naman sa iyo sa pulisya na magkukulong sa iyo. Talagang sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas hangga’t di mo nababayaran ang kahulihulihang sentimo.
Pagninilay
Ang mga tao ng panahon ni Jesus, lalong lalo na ang mga pinuno at mga guro ng Batas, ay masyadong nakatali sa mga detalye ng mga kautusan, doon nauubos ang kanilang mga oras at panahon. Hindi sinasabi ni Jesus na hindi wasto ang gawin ito. Ngunit pinaaalalahanan niya ang kanyang mga tagasunod na matutunang tingnan ito ng higit pa sa simpleng pagsunod lamang. Sa halip, mahalagang makita ang tunay na kahulugan nito. At sa pinakapuso ng Batas at ng mga Propeta ay isang bagay na sobrang payak ngunit malalim na kahulugan: ang isang tunay at makabuluhang ugnayan sa Diyos na nagbigay sa atin ng Batas at siyang nagpadala sa atin ng mga Propeta. Sa ugnayang ito naka-angkla ang mga Batas at mga Propeta, na nagbigay sa kanila ng kahulugan, na nagbibigay sa kanila ng buhay, at nagpapahintulot sa kanila na maging tunay na mga gabay sa landas ng buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020