Ebanghelyo: Lucas 9:22-25
Sinabi nga ni Jesus: “Kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.”
Sinabi naman ni Jesus sa lahat: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus araw-araw para sumunod sa akin. Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ay mawa-wa lan nito, at ang mawawalan ng kan-yang sarili alang-alang sa akin ay siyang makapagliligtas nito. Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig at mawawala naman mapapahamak ang kanyang sarili?
Pagninilay
Binalaan sila ni Jesus na hindi madali ang pagsunod sa kanya. Magkakaroon ng mga panganib at banta. At kung pipiliin nilang sundin Siya, bawat araw at araw-araw, dapat nilang pasanin ang kanilang krus at sumunod sa Kany ang mga yapak. Nang una si lang nagpasya na sundan si Jesus, masigasig sila at sabik na matuto. Hindi nila namalayan na ang pag-sunod sa Kanya ay maaaring mapa-nganib!
Tayo rin ay sinasabihan ni Jesus na mapanganib sumunod sa kanyang mga yapak. Hindi lang sa panahon ng mga apostol ma pa-nganib maging Kristiyano. Sa pana-hon natin, maraming mga Kristi yano pa rin ang inuusig dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi lamang yaong mga pinapatay sa ibang lugar, ngunit tayo rin na tinutuligsa dahil sa ating pananampalataya at sa pagsu-nod sa kanyang mga turo. Marahil pinagtatawanan tayo dahil sa mga maka-Kristiyano nating gawain. Pero hindi na bale. Ipinangako ni Jesus na siya ay palaging nasa tabi natin. Lalakad siya kasama natin, papala-kasin tayo, aaliwin tayo at bibigyan tayo ng kan yang kapayapaan! Sana maramdaman natin na sapat na ito sa atin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022