Ebanghelyo: Mateo 23:1-12
At sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad: “Ang mga guro ng Batas at mga Pariseo ang umupo sa puwesto ni Moises. Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi pero huwag silang pamarisan sapagkat nagsasalita sila pero hindi naman ginagawa. Naghahanda sila ng mabibigat na pasanin at ipinapatong sa mga balikat ng mga tao. Ngunit hindi nila ikinikilos ni isang daliri para galawin ang mga iyon. Pakitang-tao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad na laso ng Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang noo, at mahahabang palawit sa kanilang balabal.
Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga piging at sa sinagoga. Ikinatutuwa rin nilang mabati sa mga liwasan at matawag na guro ng mga tao.
“Huwag kayong patawag na guro sapagkat iisa lamang ang Guro ninyo at magkakapatid kayong lahat. Huwag din ninyong tawaging ama ang sinuman sa mundo sapagkat iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. Huwag din kayong patawag na gabay sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si Kristo. Maging alipin ninyo ang pinakadakila sa inyo. Sapagkat ibababa ang nagpapakataas at itataas ang nagpapakababa.”
Pagninilay
Magkaisa ba ang ating mga salita at gawa? Sa Ebanghelyo ngayon ay sinaway ni Jesus ang mga eskriba at pariseo dahil sa kanilang palabas na mga gawi. Nais nilang maging mga mabuting modelo ng mapagmasid na mga Hudyo. Kaya nga nakita natin kung gaano kahusay nilang sinusunod ang lahat ng mga ritwal na tuntunin at regulasyon ng Hudaismo.
Ngunit nakalulungkot na sabihin na ang kanilang mabubuting ha-ngarin ay natabunan dahil naghaha-ngad sila ng respeto at karangalan para sa kanilang sarili at hindi para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit sa kasamaang palad, naging pabigat na ang mga turo nila. Malayo sa kaga-lakan na dala nito sa kung sino man na ang tumupad nito. Hindi nila na-mamalayan ang pinsala nito sa mga tao. Minsan, tayo rin ay parang mga Pariseo. Akala natin na makabubuti sa mga tao ang iminungkahi natin, pero hindi pala. Bagkus, nakakasa-ma pa nga ito. Suriin natin ang mga gina gawa at mga minumungkahi sa ating kapwa. Nakakasira ba ito o na kakatulong lalo na sa kanilang pananam palataya?
© Copyright Pang Araw-Araw 2022