Ebanghelyo: Lucas 11:37-41
Matapos magsalita si Jesus, inanyayahan siya ng isang Pariseo na kumain sa bahay nito. Pumasok siya at dumulog sa hapag. At nagtaka ang Pariseo nang makitang hindi muna siya naghugas ng kamay bago kumain. Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon: “Kayong mga Pariseo, ugali ninyong linisin ang labas ng mga baso’t pinggan pero nag-uumapaw naman sa kasakiman at kasamaan ang inyong loob! Mga hangal! Di ba’t ang maygawa ng labas ang siya ring maygawa ng loob? Pero naglilimos lamang kayo at sa akala ninyo’y malinis na ang lahat.
Pagninilay
Sa aklat na Ang Munting Prinsipe, may magandang katagang nagsasabi ng ganito: “Nakikita natin ang mga bagay bagay sa ating puso. Ang mahalaga ay hindi nakikita ng mga mata.” Kadalasan nga’y mapanghusga ang ating mga mata, lalo na’t malayo ang puso natin na tingnan ang bawat tao o pangyayari sa kanyang tunay na anyo. Nangyari ito sa isang bagong manager na nagpanggap na isang messenger sa simula. Masaklap ang kanyang naranasan sa mga taong más mababa pa sa kanya at ganun na lamang ang kanilang kahihiyan nang nalaman nila na siya pala ang bagong boss sa kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020