Ebanghelyo: Mateo 20:1-16a
Tungkol sa nangyayari sa kaharian ng Langit ang kuwentong ito. Maagang lumabas ang isang mayari para umupa ng mga manggagawa sa ubasan. Na kipag kasundo siya na tatanggap ang mga mangga gawa ng isang baryang pilak isang araw, at pinapunta na niya sila sa ubasan. Lumabas din siya nang magiikasiyam ng umaga at nakita niya ang ibang mga nakatayo sa plasa na walang ginagawa. Kaya sinabi niya sa kanila: ‘Pumunta rin kayo sa aking ubasan at bibigyan ko kayo ng nararapat.’ At pumunta sila. Muli siyang lumabas kinatanghalian at nang magiikatlo ng hapon at gayundin ang ginawa niya. Lumabas din siya sa huling oras ng paggawa at nakita niya ang iba pang nakatayo lamang. Kaya sinabi niya sa kanila: ‘Bakit kayo nakatayo lang at maghapong walang gina gawa?’ Sumagot sila: ‘Dahil walang umupa sa amin.’ Sinabi niya: ‘Pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan.’ Paglubog ng araw, sinabi ng mayari ng ubasan sa kanyang tagapamahala: ‘Tawagin ang mga manggagawa at bayaran sila, mula sa huli hanggang sa una.’ Kaya lumapit ang mga dumating sa huling oras at binigyan sila ng tigisang denaryo (isang baryang pilak). Nang lumapit naman ang mga nauna, akala nila’y tatanggap sila ng higit pa. Ngunit tumang gap din sila ng tigisang denaryo. aya pagkatanggap nila nito, nagsimula silang mag reklamo sa mayari. Ang sabi nila: ‘Isang oras lamang ang trabaho ng mga huling ito, at ipinapantay mo sila ngayon sa amin na maghapong nagtrabaho sa init ng araw.’ Kaya sina got ng mayari ang isa sa kanila: ‘Kaibigan, hindi ko kinukuha ang sa iyo. Di ba’t nagkasundo tayo sa isang denaryo isang araw? Kaya tanggapin mo ang sa iyo at umalis ka na. Gusto ko ring bigyan ang nahuli gaya ng ibinigay ko sa iyo. Wala ba akong karapatang gawin ang gusto ko sa pera ko? Bakit ka naiinggit dahil maa wain ako?’ Kaya mauuna nga ang huli, at mahuhuli ang una.”
Pagninilay
Kung binigyan ng mayari nang lupa ang katiwala nang higit sa napagkasunduan, hindi ba ito nararapat? Dapat ba na magreklamo ang ibang binigyan lamang ayon sa napagkasunduan? Kung batas tungkol sa karampatan ang tutumbukin, walang silang karapatang magreklamo sapagkat nagbigay lamang ang amo nang kanyang nasangayunan. Nasa kanya ang karapatan kung siya’y magbibigay pa ng higit sa kanyang mga katiwala. Ang talinhaga ni Jesus ay naglalarawan sa katangian nang taong mainggitin. Sa panahon ng kalamidad o pandemya, mayroong mga taong nagrereklamo kahit hindi naman nangangailangan dahil hindi sila nabigyang ayuda o tulong. “Bakit sila nabigyan, kami wala?” Dahil sa inggit, hindi na tumitingin ang tao kung nangangailangan ba talaga siya. Ang mahalaga lang ay makasali dahil dapat meron din sila. Dahil sa inggit, ang habag sa iba’y nasasapawan nang pagkamakasarili at kasakiman. Ang grasya ng habag ng Diyos ay busilak at walang kinikilingan. Batid niya kung sinong nararapat. Ipinapaabot ni propeta Isaias na ang isipan ng Diyos ay hindi maihahalintulad sa tao. Ang pagiging mapagbigay ng Diyos ay mula sa kanyang pagibig at awang magkaloob sa mga mas nangangailangan. Tayo ay humingi nang biyaya sa Diyos ng Awa upang ang asal at gawi’y hindi lamang batay sa makataong hangarin bagkus, sa puso nang Diyos na mapagbigay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023