Ebanghelyo: Mateo 13:54-58
Pumunta siya sa kanyang bayan at nagturo sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Saan kaya galing ang kanyang karunu ngan at natatanging kapangyarihan? Di ba’t siya ang anak ng karpintero? Di ba’t si Maria ang kanyang ina at sina Jaime, Jose, Simon at Judas ang kanyang mga kapatid? Hindi ba’t narito sa piling natin ang lahat niyang kapatid na babae? Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito?” At bulag sila tungkol sa kanya. Sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak ang isang propeta.”At kaunti lamang ang ginawa niyang himala roon sapagkat kulang sila sa pananampalataya.
Pagninilay
“Hindi ba’t siya’y anak ng karpintero?” Maraming kababayan ni Jesus ang nagtataka sa kanyang mga turo pero hindi nila matanggap dahil kilala nila Siya. Siya’y anak lamang ni Jose, isang karpintero! Tulad rin sa karanasan ni San Juan Maria Vianney, ang patron ng mga kuraparoko. Hindi mapaniwalaan na siya’y magiging pari dahil hindi siya matalino. Isa lamang siyang pangkaraniwang tao. Ngunit siya’y naluklok sa hanay ng mga banal dahil sa kanyang kabanalan. Ang sukatan ng Diyos ay hindi gaya sa sukatan ng tao. Ang Panginoon ay tumutingin sa loob ng ating mga puso. Hindi tumiti ngin ang Diyos sa ating curri culum vitae – sa nilalaman ng ating puso. Ang nagmamataas ay mananatili sa lupa ngunit ang payak at banal na puso ang pararangalan ng Panginoon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023