Ebanghelyo: Lucas 5:12-16
Nang nasa isang bayan si Jesus, may isang taong tadtad ng ketong doon. Nang makita Niya si Jesus, nag-patirapa Siya at nakiusap sa Kanya: “Ginoo, kung gusto mo, mapalilinis mo ako.”Kaya iniunat ni Jesus ang Kanyang kamay at hinipo Siya at sinabi: “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyo’y iniwan ng ketong ang lalaki. Iniutos sa Kanya ni Jesus: “Huwag mo itong sabihin kanino man kundi pumunta ka sa pari para masuri ka Niya at maialay alang-alang sa iyo ang handog na iniutos ni Moises para magkaroon sila ng patunay.”
Ngunit lalo namang kumalat ang balita tungkol sa Kanya at pumunta sa Kanya ang maraming tao para makinig at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Kaya madalas na mag-isang pumupunta si Jesus sa mga ilang na lugar para manalangin.
Pagninilay
oong nagsimulang ipadala ang mga may ketong sa isla ng Culion noong 1904, nag-padala rin ang mga Heswita nang mangagasiwa sa mga espirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga nag-aalaga sa kanila. Ma-palad naman akong nakabisita ng 2 beses dahil may mga Heswita pa rin na nagtatrabaho sa isla. Nakita ko roon kung gaano kahirap ang maging isang ketongin. Hiwalay ka sa pamilya mo, at kung nagka-anak ka naman sa isla, ihinihiwalay sa iyo ang anak mo. Mabuti na lang ngayon ay may gamot na at hindi na ikinukulong ang mga pasyente. Bagamat kaunti na rin sila.
Ang ketong, o kahit na anong sakit sa balat, ay nagpapahiwatig na makasalanan ang taong ito at hindi dapat lapitan. Pwede nating sabihin na tama na siguro na pansinin ni Jesus ang maysakit. Pero higit pa roon ang ginawa ni Jesus. Hinawakan niya ito at sinabihang, “Gusto ko, luminis ka!” Hindi lamang pagpapahayag ng mabuting balita ang misyon ni Jesus sa mundo, kundi ang pagalingin din ang ating relasyon sa Diyos, sa pama-magitan ng pagpapatawad. Masakit ang mawalay sa mga mahal sa buhay. Kaya laging bukas ang puso ni Jesus sa pagpapatawad. Tayo rin ay hinihikayat na magpatawad sa ating kapwa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022