Ebanghelyo: Lucas 11:29-32
Nang dumadagsa na ang mga tao, nagsimulang magsalita si Jesus: “Masamang lahi ang lahing ito; humihingi ito ng palatandaan pero walang ibang palatandaang ibibigay rito kundi ang palatandaan ni Jonas. At kung paanong naging palatandaan si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog kasama ng mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila.
“Sapagkat dumating siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon at dito’y may mas dakila pa kay Solomon. Sa paghuhukom, babangon ang mga lalaking taga-Ninive kasama ng salinlahing ito at hahatulan nila ito dahil nagbalik-loob sila sa pangangaral ni Jonas; at dito’y may mas dakila pa kay Jonas.”
Pagninilay
Kung iisipin natin na isinulat para sa atin ang nasa Ebanghelyo ngayon, na tinawag tayong masamang lahi dahil humihingi tayo ng palatandaan, marahil ang sagot natin ay, “grabe naman!” Pero kung tutuusin, tayo nga ay mga taong mahilig sa mga palatandaan. Bago tayo gagawa o mgdedesisyon ng isang bagay, titingala tayo sa langit, o di kaya’y sasambit na big yan tayo ng senyales o palatandaan kung tama ba o mali ito. Pero dahil sa kaka isip natin ng mga senyales na ito na naaayon sa kagustuhan natin, hindi natin napapansin ang klarong senyales ng Ama na nararamdaman natin sa ating mga puso.
Parang katulad tayo ng mga Pariseo. Tinawid na ni Kristo ang ating landas at ipinadama ang kan yang presensya sa ating buhay ngunit hindi natin siya napapan-sin. Ang kawalang-galang na ito ay ipinakita sa ating pag-aalinlangan o kawalan ng kabutihang espiritu. Pagsikapan natin na makilala ng husto si Jesus, nang sa gayon hindi na tayo maghahanap pa ng ibang palatandaan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022