Ebanghelyo: Juan 14:6-14
Sinabi sa Kanya ni Jesus: “Ako ang siyang daan, ang katoto hanan, at ang buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung kilala ninyo ako, maki kilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit ngayon, kilala n’yo na Siya at nakita ninyo siya.”
Sinabi sa Kanya ni Felipe: “Panginoon, ipakita mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sinabi sa Kanya si Jesus: “Ang tagal na panahon n’yo akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang Ama ang nakikita Niya. Paano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’?
Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at Siya ang gumagawa ng Kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang
sa mga gawa.
Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa rin ng nananalig sa akin ang gawang ginawa ko; at mas dakila pa kaysa mga ito ang gagawin Niya. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Pangalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung may hingin kayo sa akin sa Pangalan ko, gagawin ko.
Pagninilay
Tuwing mababasa ko o maririnig ang mga pangungusap na ito: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa rin ng nananalig sa akin ang gawang ginawa ko; at mas dakila pa kaysa mga ito ang gagawin niya. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Pangalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung may hingin kayo sa akin sa Pangalan ko, gagawin ko.” Kakaiba ang nararamdaman ko sa aking puso. Nais kong maniwala nguni’t parang higit ito sa kaya kong paniwalaan. Tulad din ng sabi ni Jesus, “Ako’y laging kasama ninyo hang gang sa katapusan ng mundo.”
Ganito siguro ang karanasan ng mga alagad ni Jesus. Masarap pang-hawakan ang mga pangako Niya pero lagpas sa kakayahan ng tao, at higit sa kayang maunawaan ng isip. Maaga tayong nadala sa paulit-ulit na pagkabigo sa mga pangakong hindi natutupad, madalas nating sinapit ang naiwan at napabayaan at napakadali rin nating kapusin sa mga nais sana nating ialay sa ating mga mahal sa buhay. Ang tanging pagkakaiba sa pangako ng tao at sa pangako ni Jesus: limitado tayo, makapangyarihan Siya. Ang pagtiti-wala natin kay Jesus ang malawak na daluyan ng katuparan ng lahat Niyang mga pangako.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022