Ebanghelyo: Juan 15:9-17
Kung paano ako minahal ng Ama, gayon ko rin kayo minahal. Mamalagi kayo sa pagmamahal ko. Kung isasakatuparan ninyo ang mga kautusan ko, mamamalagi kayo sa pagmamahal ko kung paanong isinakatuparan ko ang mga kautusan ng aking Ama at namamalagi sa kanyang pagmamahal.
Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang aking kagalakan at maging ganap ang inyong kagalakan. Ito ang kautusan ko: magmahalan kayo kung paano ko kayo minahal. Wala nang pagmamahal na hihigit pa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan.
Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo tinatawag na mga lingkod sapagkat hindi alam ng lingkod ang ginagawa ng kanyang panginoon. Mga kaibigan naman ang turing ko sa inyo sapagkat ipinagbibigay-alam ko sa inyo lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin, ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo para humayo at mamunga, at mamalagi ang inyong bunga. At ipagkakaloob sa inyo anumang hingin n‘yo sa Ama sa pangalan ko.
Iniuutos ko nga sa inyo: magmahalan kayo.
Pagninilay
Pinangarap kong libutin ang buong mundo. Ipinasya kong simulang tuparin ang pangarap na ito sa paglalakbay, una sa sarili kong lalawigan. Nang lumao’y may dumating na mga pagkaka taon na makarating at makapasyal na rin ako sa iba’t ibang dako ng bansa. Ngunit hindi na ako nakalabas ng bansa nang matuklasan kong tina-tawag ako ng Diyos sa buhay-relihi-yosa. Kung bakit naman buhay- pag-kukulong pa ang itinakda Niya para sa akin. Kakayanin ko bang manatili lang sa loob ng monasteryo sa buong buhay ko?
Pinili kong sumunod sa nauna-waan kong tawag ng Diyos para sa akin. Sa ganitong paraan ko ipina hayag sa Kanya ang buo kong pag titiwala sa plano Niya para sa akin. Isang misteryo at biyaya ang kagalakang nadarama ko ngayong isinasabuhay ko na ang pagkahirang sa aking maging isang mongha. Unti-unti, ang pamamalagi ko sa loob ng monasteryo ay nakita kong mabi-sang daan tungo sa mas malalim na pakikipag-ugnay sa Diyos na pumili sa akin. Ang araw-araw na pamama-lagi sa apat na sulok ng Karmelo ay naging karanasan ng pamamalagi sa harap ng Diyos na walang-sawang nag-aanyaya, “Wala nang pagma-mahal na hihigit pa sa pag-aalay ng sariling buhay”.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022