Ebanghelyo: Mateo 25:14-30
Ipagpalagay natin na may isang tao, na bago mangibangbayan ay tinawag ang kanyang mga katulong at ipinag katiwala sa kanila ang kanyang mga ariarian. Limang talentong pilak ang ibi nigay niya sa una, dalawa naman sa isa pa, at isa sa pangatlo, batay sa kaya ng bawat isa. At saka siya umalis. Agad na ipinagnegosyo ito ng naka tanggap ng limang talento at kumita ng lima pa. Nagnegosyo rin ang nakatanggap ng dalawa at kumita ng dalawa pa. Humukay naman sa lupa ang may isang talento at itinago ang pilak ng kanyang amo. Pagkaraan ng matagal na pana hon, bumalik ang amo ng mga katu long na ito at hiningan sila ng pagsu sulit. Kaya lumapit ang naka tanggap ng limang talento dala ang tinubong lima pang bareta, at sinabi: ‘Pangi noon, ipinagkatiwala mo ang limang bareta sa akin, at tingnan mo, tumubo pa ako ng limang talento.’ Sumagot ang amo: ‘Mabuti, mabait at matapat na katulong; dahil naging tapat ka sa kaunting bagay, pagkakatiwalaan kita ng higit pa rito. Halika at makibahagi sa kaligayahan ng iyong panginoon.’ Lumapit naman ang may dalawang talento at nagsabi: ‘Panginoon, ipinag katiwala mo ang dalawang talento sa akin, at ngayo’y tumubo pa ako ng dalawang talento.’ Ang sabi ng amo: ‘Mabuti, mabait at matapat na katulong; dahil naging tapat ka sa kaunting bagay, pagkakatiwalaan kita ng higit pa rito. Halika at makibahagi sa kaligayahan ng iyong panginoon.’ Sa bandang huli, dumating ang nakatanggap ng isang talento at nag sabi: ‘Panginoon, alam kong ma higpit kang tao. Inaani mo ang di mo itinanim at nililikom ang hindi mo ipinagnegosyo. Natakot ako kaya itinago ko ang iyong talento sa lupa. Heto ang sa iyo.’ Ngunit sinagot siya ng kanyang amo: ‘Masama at walang kuwentang katulong, alam mo palang inaani ko ang hindi ko itinanim at nililikom ang hindi ko ipinag negosyo. Sana’y dinala mo sa bangko ang aking pilak at maba bawi ko ang sa akin pati na ang tubo pag dating ko. Kaya kunin ang talento sa kanya at ibigay ito sa may sampu pa. Sapag kat sa sinumang meron, bibigyan pa siya at magkakaroon nang sagana; ngunit ang wala, maging ang sa kanya ay aagawin sa kanya. Para sa walang silbing katulong, itapon siya sa dilim kung saan may iyakan at pagngangalit ng ngipin.’
Pagninilay
Ang isang empleyado o trabahador na patuloy sa kanyang kasipagan ay susuklian ng mas mataas na posisyon o mas malaking katungkulan. Tataas din ang kanyang sahod ngunit mas magiging mabigat ang kanyang tungkulin. Ganito rin ang nangyari sa talinhaga ng ebanghelyo. Ang mga masipag na pinagkakatiwalaan ay binigyan nang mas malaking katungkulan at binahaginan ng kasiyahan ng kanilang amo. Samantalang ang isang hindi nagsumikap, kahit ang kakarampot na natanggap ay binawi pa at pinarusahan. Tayong lahat ay dumaraan lamang sa mundo. Pinagkatiwalaan din tayo sa mga bagay na ating nakamit. Sa pamamagitan ng pagsusumikap, ito’y ating pinalalago. Mayroon ding mga taong hindi nais na magsikap at naghahanap na lamang ng madaling pamamaraan sa buhay. Nakakalungkot isipin na maraming tao ang nagsisiksikan sa mga malalaking lungsod upang maghanap ng trabaho. Habang ang mga kalupaan sa malalapad na kabukiran ay hindi natataniman at napapakinabangan. Mayroon ding mga naghahanapbuhay gamit ang panlilinlang sa kapwa mula sa mga illegal na bagay na nakakasira sa buhay tulad ng droga, sugal, at iba pang bisyo. Mayroon ding mga nanunungkulan na nakikinabang sa paghihirap ng mga dukha upang sila’y yumaman. Lahat ay bunga ng katamaran ng taong hindi gustong magsumikap at mahirapan. Huwag nating kalimutan na sa katapusan, makikipagusap at huhukuman tayo batay sa naging pagaalaga natin sa mga bagay na Kanyang ipinagkatiwala. Ito’y darating sa araw na hindi natin inaasahan at hindi tayo makakaligtas dito. Sa kanyang sulat sa mga tagaTesalonica, pinapaalalahanan tayo ni San Pablo na maging handa at parating maging masipag. Tulad ng babae sa unang pagbasa, matuklasan nawa natin ang Panginoon mula sa mapagmahal na pagsusumikap upang mas mapalapit pa tayo sa Kanya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023