Ebanghelyo: Lucas 14:25-33
Habang naglalakad ang napakaraming tao na kasama ni Jesus, humarap Siya sa kanila at sinabi: “Kung may dumating sa akin na di nagtatakwil sa pag-ibig sa Kanyang ama at ina, at asawa at mga anak, at mga kapatid na lalaki at babae, at maging sa Kanyang sarili, hindi Siya puwedeng maging alagad ko. At hindi puwedeng maging alagad ko ang di nagpapasan ng Kanyang krus sa pagsunod sa akin. At paano kung may magbalak magtayo ng silungan ng bantay sa bukid? Di ba’t uupo muna Siya at tatantyahin ang gastos para malaman kung may sapat Siya para maipatapos iyon? Sapagkat kung mailagay Niya ang pundasyon at hindi naman Niya iyon maipatapos, pagtatawanan lamang Siya ng lahat: ‘Hayan ang nagsimulang magtayo at hindi na maipatapos.’ At paano kung may haring makikipagharap sa ibang hari? Di ba’t uupo muna Siya para mag-isip kung kaya Niya at ng sampung libong kasama Niya na harapin ang dumarating na may dalawampung libo? At kung hindi naman, malayo pa ang isa ay magpapadala na Siya ng mga sugo para makipag-areglo. Gayon din sa inyo. Hindi puwedeng maging alagad ko ang di tumatalikod sa lahat ng KanyaPagninilay
Hindi sapat ang ipahayag ang kagustuhang sundan at paglingkuran ang Panginoon. Hindi sapat ang banggiting “Mahal ko ang Panginoon.” Higit pa rito ay ang tanong na “Hanggang saan ko kayang ibigay ang aking sarili sa pagmamahal sa Panginoon.” Tatlong bagay ang binigyang-diin ni Jesus upang maging Kanyang alagad: ang higit na pag-ibig sa Kanya, ang pagpasan ng krus, at ang pagtalikod sa lahat ng sa atin. Kinakailangang buo at matatag ang ating mga puso at kalooban hanggang sa huli. Marami ang umiibig subalit napapagod at sumusuko sa bandang huli. Ipanalangin natin ang ating katatagan bilang mga mananampalatayang Kristiyano.© Copyright Pang Araw-Araw 2019