Ebanghelyo: Marcos 10:17-30
At nang palakad na siya, isang tao ang patakbong sumalubong sa kanya at paluhod na nagtanong: “Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin para magmana ng buhay na walang hanggan?”
Sumagot sa kanya si Jesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos: Huwag papatay, huwag makiapid, huwag magnakaw, huwag manirang-puri sa kapwa, huwag mandaya, igalang ang iyong ama at ina.” Sinabi sa kanya ng tao: “Sinunod ko ang lahat ng ito mula pagkabata, ano pa ang kulang ko?”
Kaya tinitigan siya ni Jesus at minahal siya, at sinabi: “Isa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang lahat ng iyo at ibigay sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa Langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.”
Pinanghinaan ng loob ang tao sa salitang ito at umalis na malungkot sapagkat napakayaman niya.
Kaya tumingin si Jesus sa paligid at sinabi sa kanyang mga alagad: “Napakahirap ngang makapasok ang mga may kayamanan sa kaharian ng Diyos.” Takangtaka nga ang mga alagad dahil sa pananalitang ito. Kaya muling sinabi ni Jesus sa kanila: “Mga anak, napakahirap pumasok sa kaharian ng Diyos! Oo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”
Lalo pang namangha ang mga alagad at nag-usap-usap: “Kung gayon, sino ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Jesus at sinabi: “Imposible ito para sa tao pero hindi para sa Diyos; lahat ay posible para sa Diyos.”
Nagsalita naman si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat para sumunod sa iyo.” Sinabi ni Jesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alangalang sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama’y makakamit niya ang buhay na walang hanggan.
Pagninilay
Ang mga pagbasa ngayon ay nagpapahiwatig ng tema tungkol sa kayamanan at buhay-Kristiyano. Sa unang pagbasa, mula sa Aklat ng Karunungan, nagpapatunay ito na ang karunungan ay mas higit pa sa kayamanan. Ang ikalawang pagbasa ay pinagninilayan ang Salita ng Diyos. Bagamat hindi direktang tumutukoy sa tema ng kayamanan; kinikilala naman ng mga Kristiyano ang Salita ng Diyos bilang buhay at epektibo at ang pinakahigit nating kayamanan bilang mga Kristiyano. Sinalaysay sa ebanghelyo ang pagtatagpo sa pagitan ni Jesus at ng mayamang lalaki na inanyayahan niya para sa isang buhay na ganap.
Divine wisdom seems to be of different order to human logic. It looks foolish to renounce wealth. But divine wisdom is telling us that to renounce wealth is the way to love freely and fully. This logic is not familiar. But it seems true that our hearts are not satisfied with material possessions but by love-filled moments and experiences that do not necessarily need material wealth. Love, and not wealth, should be our standard for living. The disciples were so surprise when Jesus said: “Napakahirap ngang makapasok ang mga may kayamanan sa kaharian ng Diyos.” In the Old Testament, wealth is valued positively. Abundant life is promised to those who follow the Law. And he added: “… napakahirap pumasok sa kaharian ng Diyos! Oo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.” It is simply impossible to enter into the Kingship of God if we make wealth not love as the standard of our life. On the other hand, to enter into the Kingship of God is imperative to have a heart free of all binding interests so to respond to the most essentially necessary: loving relationship with God and our brothers and sisters. Sa pangalawang pagbasa ay hinihikayat tayong yakapin ang Salita ng Diyos na buhay at epektibo; nagagawa nitong tumagos sa ating kalooban at gawin itong dalisay. Ang Salita ang pinakadaan patungo sa ating kaganapan; ang Salita ay ang ating kayamanan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021