Ebanghelyo: Marcos 10:17-27
At nang palakad na siya, isang tao ang patakbong sumalubong sa kanya at paluhod na nagtanong: “Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin para magmana ng buhay na walang hanggan?” Sumagot sa kanya si Jesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos: Huwag papatay, huwag makiapid, huwag magnakaw, huwag manirang-puri sa kapwa, huwag mandaya, igalang ang iyong ama at ina.” Sinabi sa kanya ng tao: “Sinunod ko ang lahat ng ito mula pagkabata, ano pa ang kulang ko?”
Kaya tinitigan siya ni Jesus at minahal siya, at sinabi: “Isa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang lahat ng iyo at ibigay sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa Langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.” Pinanghinaan ng loob ang tao sa salitang ito at umalis na malungkot sapagkat napakayaman niya. Kaya tumingin si Jesus sa paligid at sinabi sa kanyang mga alagad: “Napakahirap ngang makapasok ang mga may kayamanan sa kaharian ng Diyos.” Takang-taka nga ang mga alagad dahil sa pananalitang ito. Kaya muling sinabi ni Jesus sa kanila: “Mga anak, napakahirap pumasok sa kaharian ng Diyos! Oo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”
Lalo pang namangha ang mga alagad at nag-usap-usap: “Kung gayon, sino ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Jesus at sinabi: “Imposible ito para sa tao pero hindi para sa Diyos; lahat ay posible para sa Diyos.”
Pagninilay
Tanungin natin ang ating mga sarili: Ano ang gagawin mo kung hihilingin ni Jesus na isuko mo ang iyong mga pag-aari, katayuan, at iyong kayamanan? Hi nala ko, mahirap para sa karami-han sa atin na talikuran ang lahat ng pinaghirapan nating makamit sa ating buhay. Sa kultura natin ngayon, ang pamilya, pera, pag-aari at mga nakamit natin ang siyang itinuturing natin na kayamanan. Gayunpaman si Jesus ay nag-aalok ng higit pa sa lahat ng iyan, ang isang kayamanan na hindi natin maintindihan!
Ngayon ay maaaring isang ma-gan dang araw upang tanungin ang ating sarili: Ano ang handa kong ibigay upang magkaroon ng buhay na walang hanggan? Sinabi natin na tayo’y tagasunod ni Jesus, siya na isinuko ang lahat ng kayama-nan, pamilya, at katayuan sa buhay, upang sumunod sa Ama. Marahil kai-langan nating suriin ang ating mga isipan at puso, at maging tapat sa ating sarili. Madaling sabihin na tayo ay mga tagasunod ni Jesus; ngunit hindi madaling tunay na sundan ang mga yapak Niya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022