Ebanghelyo: Lucas 11:1-4
Isang araw, nananalangin si Jesus sa isang lugar at pagkatapos niya’y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin kung paanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad.” At sinabi ni Jesus sa kanila: “Kung mananalangin kayo, sabihin ninyo:
Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang kaharian mo, bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangangkailangan namin, patawarin mo kami sa aming mga sala; tingnan mo’t pinatatawad din namin ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.”
Pagninilay
Sa pagtuturo sa mga alagad kung paano manalangin, itinuro din ni Jesus kung ano ang mga bagay na mas mahalaga kaysa iba kahit sila rin ay mahalaga. Ang una ay ang pagsamba sa Diyos. Ipinauna ito sapagkat ang kabaliktaran nito ay ang pagsamba sa demonyo. Nasa Diyos ang buhay, nasa demonyo ang kamatayan. Nasa Diyos ang katuturan ng buhay, nasa demonyo ang kapahamakan. Nasa Diyos ang pag-ibig at tunay na kaligayahan, nasa demonyo ang pagkamuhi at kalungkutan.
Nawa’y matuto tayo sa naging karanasan ng ating unang mga magulang. Nasa kanila na ang lahat sapagkat nasa ilalim sila ng pagkakandili ng Diyos matapos na sila ay lalangin. Pero pinili pa nila na sumunod sa demonyo at isinantabi ang utos ng Diyos. Kaya sila ay napahamak. Mabuti na lamang at hindi tayo pinabayaan ng Diyos at sinugo Niya si Jesus upang tayo ay iligtas sa kapahamakan bunga ng pagsuway. Kaya sa pagtuturo kung paano magdasal, inuna muna ni Jesus kung ano ang pinakamahalaga, unang dapat hilingin at isabuhay: ang pagsamba sa Diyos lamang. At lahat ng iba pang pangangailangan ay ipagkakaloob dahil ito rin ang nais ibigay ng Diyos sa mga sumasamba sa kanya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022