Ebanghelyo: Mateo 5:17-37
Huwag ninyong akalain na naparito ako para pawalangbisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpa walangbisa kundi upang mag bigaykaganapan. At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi naba bago ang langit at lupa, hindi maba bago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad.
Kung may lumabag sa pinakamaliit na ipinaguutos ng Batas at magturo ng ganoon sa mga tao, ituturing din siyang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Ngunit kung may magsagawa at magturo ng mga ito sa mga tao, magiging dakila siya sa Kaharian ng Langit.
Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong kabanalan kaysa sa mga guro ng Batas at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa Kaha rian ng Langit.
Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay lilitisin. Sinasabi ko naman sa inyo: Ang sinumang magalit sa kanyang kapatid ay lilitisin. Ang sinumang manuya sa kanyang kapatid ay lilitisin sa Sanggunian. At ang sinumang manghiya sa kanyang kapatid ay nararapat lamang itapon sa apoy ng impiyerno. Kaya sa paglalagay mo sa altar ng iyong hain at naalaala mong may reklamo sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong hain sa harap ng altar at puntahan mo ang iyong kapatid para makipagkasundo sa kanya. At saka ka bumalik at ialay ang iyong hain sa Diyos.
Makipagkasundo na sa iyong kaaway habang papunta pa kayo sa hukuman, at baka ipaubaya ka niya sa hukom na magpapaubaya naman sa iyo sa pulisya na magkukulong sa iyo. Talagang sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas hangga’t di mo nababayaran ang kahulihulihang sentimo.
Narinig na ninyo na sinabing: Huwag kang makiapid. Ngunit sinasabi ko naman sa inyo: ang sinumang tumingin nang may pagnanasa sa isang babae ay nakiapid na rin sa kanyang puso.
Kaya kung ang iyong kanang mata ang nagbubuyo sa iyo sa kasa lanan, alisin mo ito at itapon! Makabu buti pa sa iyo na mawalan ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa matapon ang buo mong katawan sa impiyerno. Kung ang iyong kanang kamay naman ang nagbubuyo sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito at ita pon! Mas makabubuti sa iyo ang mawalan ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa matapon ang buo mong katawan sa impiyerno.
Sinabi rin namang: Kung may makikipagdiborsiyo sa kanyang maybahay, bigyan niya ito ng katibayan. Ngunit sinasabi ko sa iyo: kung may magpaalis sa kanyang maybahay sa ibang dahilan maliban sa kawalangkatapatan, pinapakiapid niya ito. At nakikiapid din ang nagpapakasal sa babaeng diborsiyada.
Narinig na rin ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: Huwag kang sisira sa iyong sinumpaan. Tuparin mo ang sinumpaang pangako sa Panginoon. Ngunit sinasabi ko naman sa inyo: huwag kayong manumpa sa ngalan ng Langit pagkat naroon ang trono ng Diyos, ni sa ngalan ng lupa pagkat ito ang tuntungan ng kanyang mga paa, ni sa ngalan ng Jerusalem pagkat ito ang lunsod ng Dakilang Hari. Huwag kang manumpa ni sa ngalan ng iyong ulo pagkat ni hindi mo kayang paputiin o paitimin ni isang hibla ng iyong buhok. Sabihin mong oo kung oo at hindi kung hindi. Ano pa mang sasabihin mo’y sa demonyo na galing.
Pagninilay
Ginawa ang batas upang magbigay kaayusan sa buhay ng tao at lipunan. Maituturing itong pabigat sa tao kung hindi tama ang pagkaunawa at ang pagpapatupad nito. Minsa’y may mga batas na gawa ng tao na nakapagpapahirap sa iba lalo na sa mga maliliit. May mga batas na kumikiling lamang sa mga mayayaman at makapangyarihan. Kaya’t nagkakaroon ng hindi pagkakasundo sa iba’tibang sektor ng lipunan.
Sa Lumang Tipan, binigyan ng Panginoon si Moises ng batas na gagabay sa pakikitungo ng tao sa lipunan gaya ng hindi pagpatay, pakikiapid at pakikipaghiwalay sa asawa, pagnanakaw, at hindi pagsumpa sa ngalan ng Panginoon. Hindi binago ni Jesus ang mga ito sa Bagong Tipan, manapay binigyan niya ng mas malalim na kahulugan ang mga batas. Wika ni Jesus, “…ang isang tuldok o isang kudlit, sa anumang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.” Si Jesus ang katuparanan ng lahat ng batas. Ang kanyang buhay mismo ang saksi sa mga batas na ibinigay kay Moises. Pinauunawa ni Jesus na hindi sapat ang pagsunod lamang sa mga titik ng batas. Ang pagsunod sa batas ng Diyos ay ang malayang pagpili sa buhay at hindi sa kamatayan. Ang malayang pagpili sa buhay ay larawan ng karunungan ng Diyos. Ang kautusan ng Diyos ay hindi isang pasanin kundi isang “daan” na marapat piliin sapagkat ito ang daan ng buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023