Ebanghelyo: Lucas 6:12-19
Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at mag palipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang nagumaga na, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag niyang apostol: si Simon na pinanga lanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito; si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si To mas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinataguriang Zelota, si Judas na kamaganak ni Jaime, at si Judas Iska riote na naging tagapagka nulo. Pagkababa kasama nila, tumi gil si Jesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad niya, at napaka rami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon ang duma ting para makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamda man. Guma ling din ang mga pinahihirapan ng masa samang espi ritu. Kayat sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya dahil may kapangyarihang lumalabas sa kanya, na nagpapagaling sa lahat.
Pagninilay
Bago pumili si Jesus ng mga Apostoles, siya ay nag tungo sa burol upang manalangin nang buong gabi. Sa tradisyon ng Bibliya, ang burol ay simbolo ng pagpapakita ng Diyos tulad sa naganap kay Moises, Elias, at iba pang mga propeta. Kaya si Jesus mismo’y nagtungo sa burol upang manalangin sa piling ng Diyos Ama. Pagkatapos manalangin, kanyang pinili ang labindalawang mga Apostoles na kanyang hinirang sa pagtatayo ng Simbahan. Ang kanyang pananalangin ang nagbibigay lakas at gabay sa kanya para ipag patuloy ang misyon sa pagpapahayag ng Mabuting Balita at pagpapagaling sa mga may sakit. Mayroon tayong mga de sis yon at mga gawaing minsa’y nabibigo. Ang katanungan, idinadaan ba natin ang mga ito sa panalangin? Humihingi ba tayo nang gabay at kaliwanagan sa Panginoon? Si Jesus ay nagbibigay sa atin nang aral kung gaano kahalaga ang pananalangin upang humingi nang gabay at kaginhawahan mula sa kalooban ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023