Ebanghelyo: Lucas 17:7-10
Ipagpalagay nang may katulong na nagaararo o nagaalaga ng mga tupa ang isa sa inyo. Ano’ng sasabihin niya rito pagbalik nito galing sa bukid? Sasa bihin kaya niya: ‘Halika na’t dumulog sa hapag’? Sa halip ay sasabihin niya: ‘Ihanda mo ang aking pagkain; mag bihis ka’t pagsilbihan ako habang kumakain ako’t umiinom, at saka ka na kumain at uminom.’ Dapat kaya ka yong tuma naw ng utangnaloob sa utusang iyon dahil ginawa nito ang ini utos? Gayundin naman sa inyo. Pagka gawa ninyo sa lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo: ‘Mga karaniwang utusan kami; ginawa lang namin ang dapat naming gawin’.”
Pagninilay
Naging batas ng isang diyosesis na ang lahat ng magpapabinyag ng kanilang anak ay kailangang makipagusap sa pari (interview) para malaman ang kanilang kalagayan bilang isang pamilya. Sa ganitong pamamaraan, malalaman ng pari kung kasal ba ang mga magulang ng bata o kung mayroon dapat na ituro pa sa magulang tungkol sa pagpapalaki sa kanilang anak bilang isang Kristyano. Isang pangulo ng kapilya ang nais na magpabinyag sa kanyang anak, ngunit hindi gustong magpainterview dahil matagal na daw siyang naglilingkod sa kapilya. Sinabi ng Kura Paroko, “mas kinakailangan kang sumunod sapagkat ang mga naglilingkod sa simbahan ay nalalaman ang mga batas.” Minsan, naghahanap tayo nang mga pribilehiyo dahil nag lilingkod tayo. Pinapaalalahanan tayo ni Jesus na ang tunay na paglilingkod ay hindi naghahanap ng kapalit. Mas mainam na manatiling mapagpakumbaba sapagkat ang Panginooon ang nakakaalam kung anong karapatdapat na isusukli sa atin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023