Ebanghelyo: Lucas 17:11-19
Habang papunta si Jesus sa Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Samaria sa Galilea. At pagpasok niya sa isang nayon, may sampung lala king may ketong ang luma bas para salubungin siya. Tumayo ang mga ito sa malayo at tumawag nang malakas: “Jesus, Guro, maawa ka sa amin.” At sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Uma lis kayo at humarap sa mga pari.” At nang yari na guma ling sila habang nag la lakad. Isa sa kanila ang agad na nag balik nang makita niyang guma ling siya, at pasigaw niyang pinuri ang Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus, sa pag papasa lamat sa kanya. Isa siyang Samaritano. Kaya sinabi ni Jesus: “Di ba’t sampu ang gumaling? Nasaan ang siyam? Wala bang bumalik para magpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Tumayo ka, iniligtas ka ng iyong pana nampalataya.”
Pagninilay
Sampung ketongin ang lumapit at nagmakaawa kay Jesus na sila’y pagalingin. Gumaling silang lahat at nagalak, bagamat isa lamang sa kanila ang bumalik para magpasalamat kay Jesus. Ito ay ang Samaritanong isinasaisangtabi at kinamumuhian ng mga Hudyo. Sa kanilang lahat, siya lamang ang nakaalalang magpasalamat kay Jesus. Parati tayong nagdarasal sa pagbanggit sa ating mga hinihiling sa Panginoon. Gayunpaman, makailang ulit ba tayong nagpapasalamat sa Panginoon? Tinuturing tayo ni Jesus na mga kapatid mula sa ating pagiging binyagan at nakikibahagi sa mga biyaya bilang anak ng Diyos. Samakatuwid, dapat na magpasalamat tayo palagi sa pamamagitan ng pagturing sa kapwa bilang ating mga kapatid. Ang mapagpalang kapangyarihan ng Diyos ay ibinabahagi natin sa iba, kahit sila’y mga dayuhan, sapagkat mga anak din sila ng Diyos Amang ating pinaniniwalaan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023