Ebanghelyo: Lucas 17:20-25
Tinanong siya ng mga Pariseo kung ka ilan darating ang paghahari ng Diyos at su magot siya: “Hindi lantaran ang pagdating ng kaharian ng Diyos; di masasabing ‘Narito o naroon,’ nasa inyo na nga ang kaharian ng Diyos.” Sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Dara ting ang panahon na pananabikan ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao at di naman ninyo makikita. At may magsasabi sa inyo ‘Narito siya, naroon.’ Huwag kayong pu punta, huwag maghahanap. Sumi siklab nga ang kid lat at nagniningning mula sa isang dako ng langit hanggang sa kabila, gayundin naman ang Anak ng Tao sa araw ng kanyang pagdating. Subalit kailangan muna niyang mag tiis ng ma rami at itakwil ng mga tao sa kasalu kuyan.
Pagninilay
Si Jesus ang katuparan sa paghahari nang Diyos. Sa kanya natin matutuklasan kung paano makarating sa Kaharian ng Diyos. Mula sa binyag, namamatay ang atin g lumang pagkatao upang maangkin natin ang panibagong buhay kay Kristo at tinatatakan tayo ng biyaya ng Espiritu Santo. Samakatuwid, nananahan sa atin ang Kaharian ng Diyos. Tayo’y maninirahan sa Kaharian ng Diyos kung ang ating buhay ay sumusunod kay Kristo na ating kapatid. Huwag lang nating hanapin ang Kaharian. Sa halip, mamuhay tayo bilang mga anak ng Diyos sa pagbabahagi sa MakaDiyos na pagibig at awa – sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan, dukha, isinasantabi, at pagbabahagi sa mapagpalang kapangyarihan ng Diyos sa mga nagkakasakit sa katawan at kaluluwa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023