Ebanghelyo: Marcos 12:1-12
At nagsimula siyang magsalita sa talinhaga. “May nagtanim ng ubasan; bina kuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas, at nagtayo ng toreng bantayan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka at naglakbay sa malayo. Nang panahon na ng anihan, pinapunta niya ang isang katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang bahagi niya sa ani. Ngunit si nung gaban nila ito at pinaalis na walang dala. Nagpadala uli sa kanila ang may-ari ng isa pangkatulong pero hinampas ito sa ulo at hinamak. Nagpadala rin siya ng iba ngunit pinatay naman ito. At marami pa rin siyang ipinadala; hinampas ang ilan sa kanila at pinatay ang iba.
Mayroon pa siyang isa, ang minamahal na anak. At ipinadala niya siyang pinakahuli sa pag-aakalang ‘Iga ga lang nila ang aking anak.’ Ngunit nang makita siya ng mga magsasaka, inisip nila: ‘Ito ang tagapagmana. Patayin na tin siya at mapapasaatin ang mana.’
Kaya hinuli nila siya at pinatay, at iti na pon sa labas ng ubasan. Ano ngayon ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Dara ting siya at lilipulin ang mga magsasaka at ibibigay ang ubasan sa iba. Hindi ba ninyo nabasa ang Kasulatang ito? Naging panulu kang bato ang tinanggihan ng mga taga pagtayo. Gawa ito ng Panginoon, at kahang-ahanga ang ating nakita.” Huhulihin na sana nila siya pero na takot sila sa mga tao. Naunawaan nga nila na sila mismo ang tinutukoy niya sa talinhagang ito. Iniwan nila siya at lumayo.
Pagninilay
Tayong mga bininyagan ay pinagkatiwalaan ng kaloob na pananampalataya. Tulad ng isang katiwala, dapat nating payabungin ang kaloob na ito sa ating buhay. Ang paglago ng ating pananampalataya ay makikita sa mga bunga nito – sa ating saloobin, sa mga salita at gawa, at sa ugnayan sa ating kapwa. Gaya ng isang puno na malusog at mabunga, tayo bilang mga sanga ay dapat manatili kay Jesus na ating puno. Sa kanyang mga salita at halimbawa natin matututunan kung paano maging mabunga ang ating buhay. Pinadalhan din tayo ng mga taong paaalalahanan tayo tulad ng mga magulang at kapatid na may pagmamalasakit sa atin. Pakinggan natin sila at sundin ang kanilang mabuting halimbawa. Sa katapusan ng buhay, haharap tayo sa Panginoon sa pakikipagkasundo. Sa pagsisikap natin na pagyamanin ang mga kaloob sa atin, maaasahan natin ang gantimpala ng awa at pag-ibig ng Panginoon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





