Ebanghelyo: Juan 8:1-11
Pumunta naman si Jesus sa Bundok ng mga Olibo. Ma aga siyang muli sa Templo, at naglapitan sa kanya ang lahat ng tao, at pagkaupo niya’y, nangaral siya sa kanila.
Dinala naman ng mga guro ng Batas at ng mga Pariseo ang isang babaeng huling-huli sa pakikiapid. Pinatayo nila siya sa gitna, at sinabi nila kay Jesus: “Guro, huling-huli sa akto ang babaeng ito na nakikiapid. Iniutos sa amin ni Moises sa Batas na batuhin ang ganitong mga babae; ano naman ang sabi mo?” Sinabi nila ito bilang pagsubok sa kanya upang may maiparatang sila sa kanya.
Yumuko naman si Jesus at nagsulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri. Nang mag-patuloy sila sa pagtatanong sa kanya, tumindig siya at sinabi sa kanila: “Ang walang sala sa inyo ang unang bumato sa kanya.” At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa.
Ang mga nakarinig nama’y isa-isang nag-alisan mula sa matatanda, at naiwan siyang mag-isa pati ang babae na nasa gitna. Tumindig si Jesus, at sinabi sa kanya, “Babae, nasaan sila? Wala bang humatol sa iyo?” At sinabi niya: “Wala, Panginoon.” Sinabi ni Jesus: “Hindi rin kita hahatulan. Humayo ka at mula ngayo’y, huwag nang magkasala pa.”
Pagninilay
“Gumagawa ako ng isang bagong bagay: sumisibol na ito ngayon.” (Isa 43:19) Hindi ipinagtanggol at hindi rin kinampihan ni Jesus ang babaeng pinaratangan ng pakikiapid. Hindi siya nagtanong kung mali o tama ang paratang. Ang paanyaya niyang bumato ang sinumang walang kasalanan ay pag-akay sa isang bagong karanasan. Mahirap madama ang sakit at kahihiyan ng isang lugmok sa kasalanan. Mahirap matuklasan ang sarili nating karumi-han kung ang puso nati’y nababalot ng panghuhusga at pagmamalinis.
Sa ikalawang pagbasa, inulit ni San Pablo ang bilin ni Propeta Isaias na huwag mamuhay sa nakaraan. Ganito ang sabi niya, “nililimot ko ang nasa likod ko at pinagsisika-pan ang mga hinaharap”. Sapagka’t ang paghuhusga ay pag-ungkat ng nakaraan na walang kalakip na pagmamalasakit. Ang pagsisi-kap para sa hinaharap ay apoy na ginagatungan ng pag-asa. Kung sa sarili nating mga pagkabigo at pagkatalo ay mahirap bumangon upang ipagpatuloy ang pagsisikap, lalong higit mahirap pani walaan ang pagbabagong-buhay ng isang taong tinatakan nang walang pag-asa. Kaya’t ang paanyaya ni Jesus ay tingnan ang sarili at pagkatapos ay hatulan ang nagkasala. Sa pagsuri pa lamang ng mga itinatago at ikinahihiya nating pagkakamali at pagkukulang, madadama natin at mauunawaan kung paano tayo pi-natawad, pinagbigyan at patuloy na ginagabayan ng Diyos. Ngunit kung mawiwili tayo sa pang huhusga at pa-mimintas, mababaon nang malalim ang sarili nating katotohanan. Baka kung hindi na natin kayang magbago ay saka pa natin matuklasan na nais at kaila ngan pala natin ng ganap na pagpapanibagong alok sa atin ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022