Ebanghelyo: Juan 8:51-59
Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung may nagsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi niya papansinin ang kamatayan magpakailanman.”
Kaya sinabi sa kanya ng mga Judio: “Alam na namin nga-yon na may demonyo ka nga. Namatay si Abraham pati ang mga propeta at sinasabi mong ‘Kung may nagsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi siya lalasap ng kamatayan magpakailanman.’
Mas dakila ka pa ba kaysa ama naming si Abraham na namatay? Nangamatay pati ang mga propeta. Sino ka ba sa akala mo?”
Sumagot si Jesus: “Kung ako ang pumupuri sa aking sarili, walang saysay ang aking papuri. Ang ama ko ang pumupuri sa akin, siya na sinasabi n’yong ‘Diyos namin.’ Hindi n’yo siya kilala pero kilala ko siya. Kung sasabihin kong hindi ko siya kilala, magiging sinungaling akong tulad n’yo. Pero kilala ko siya at isinasakatuparan ko ang kanyang salita.
Nagalak ang inyong amang si Abraham at makikita niya ang Araw ko; nakita nga niya at siya’y natuwa.”
Kaya sinabi ng mga Judio sa kanya: “Wala ka pang limampung taon at nakita mo na si Abraham?” Sinabi sa kanila ni Jesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, bago pa man si Abraham, ako na nga.”
Kaya dumampot sila ng mga bato para ibato sa kanya. Pero nagtago si Jesus at umalis sa Templo.
Pagninilay
Nakakasilaw ang pangako ng Diyos kay Abraham: gagawin kitang ama ng mga bansa. Hindi naging madali ang paglalakbay ni Abraham. Hindi gawang-biro ang sakripisyong kinailangan sa tipan. At ang kasaysay an ang saksi na natupad ang pa ngakong ito.
Ang mga karanasan naman natin sa buhay ang magpapatunay na ang anumang tagumpay na hindi pinag-sikapan ay walang saysay at hindi mananatili. Sa pagsisikap natutu-tuhan ang halaga’t panga ngalaga sa mga tunay na kaya manan at tagumpay. Bago na tin makamtan ang tagumpay, mas marami ang mga pagkakataong mukhang walang bunga ang ating mga pagsisikap, mukhang nakalimutan ng Diyos ang kanyang pangako at napakadaling mawalan ng pag-asa.
Paano ba nating matutularan si Jesus na hindi kailanman (hanggang sa paghihingalo Niya sya Krus) nali-mutan o pinagdudahan ang kata-patan at pagmamahal ng Ama? Ito ang turo Niya, “Isakatuparan ninyo ang aking mga salita.” Jn 8:51
Bakit? Sapagka’t “kilala ko ang Ama at isinasakatuparan ko ang Kanyang mga salita.” Tapat ang Ama; tapat si Jesus. Sinumang tapat sa Kanila ay may buhay na walang hanggan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022