Ebanghelyo: Juan 13:1-15
Ngayon, bago magpiyesta ng Paskuwa, alam ni Jesus na dumating na ang Kanyang oras para tumawid mula sa mundong ito tungo sa Ama, sa pagmamahal Niya sa mga sariling Kanya na nasa mundo, minahal Niya sila hanggang kaganapan. Naghahapunan sila at naisilid na ng diyablo sa kalooban ni Judas na anak ni Simon Iskariote na ipag-kanulo siya. Alam naman ni Jesus na ipinagkaloob ng Ama sa Kanyang mga kamay ang lahat, at mula sa Diyos Siya galing at sa Diyos Siya pabalik. Kaya tumindig Siya mula sa hapunan at hinubad ang panlabas na damit, at pagkakuha ng tuwalya ay ibinig kis sa sarili. Pagkatapos ay nagbuhos Siya ng tubig sa hugasan, at sinimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa Kanya.
Nang lumapit Siya kay Simon Pedro, sinabi nito sa Kanya: “Panginoon, ikaw ba ang maghuhugas sa aking mga paa?” Sumagot si Jesus: “Hindi mo alam ngayon ang ginagawa ko pero mauunawaan mo makaraan ang mga ito.” Sinabi sa Kanya ni Pedro: “Hinding-hindi mo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus sa Kanya: “Kung hindi kita huhugasan, hindi ka makababahagi sa akin.” Sinabi sa Kanya ni Simon Pedro: “Panginoon, hindi lamang ang mga paa ko kundi pati na ang mga kamay at ulo.”
Sinabi sa Kanya ni Jesus: “Mga paa lamang ang kaila-ngang hugasan ng naligo na dahil malinis na ang buo Niyang sarili. Malinis nga kayo pero hindi lahat.” Alam ni Jesus ang magkakanulo sa Kanya. Dahil dito kaya Niya sinabing: “Hindi lahat kayo’y malinis.”
Kaya nang mahugasan Niya ang kanilang mga paa, kinuha Niya ang Kanyang panlabas na damit at bumalik sa hapag, at sinabi Niya sa kanila: “Nauunawaan n’yo ba ang ginawa ko sa inyo? Tinatawag n’yo akong ‘Guro’ at ‘Panginoon.’ At tama ang pagsasabi ninyo: ako nga. Kaya kung hinugasan ko ang inyong mga paa, akong Panginoon at Guro, gayundin kayo dapat mag hugasan ng mga paa ng isa’t-isa. Isang halimbawa ang ibinigay ko sa inyo upang gawin din ninyo gaya ng ginawa ko sa inyo
Pagninilay
Ang araw na ito ang dakilang paggunita ng PAGPAPARI at Banal na MISA. Ito ang dalawang regalo ng Diyos sa tao na FOREVER. Ang handog ng Diyos ay paglilingkod, pagkakaisa at pagsasalo-salo na nakaugat sa Kanya. At dahil ang Diyos ay walang simula at walang katapusan, madali nating mauunawaan na anumang umusbong o nakaugat sa kanya ay walang hangganan.
Kunin natin ang halimbawa ng isang taong nagmahal at nangulila sa pagpanaw ng kanyang minama-hal. Ang pagluluksa at pagdadalam-hati ay panandalian lamang kung mananariwa at panibagong mag-uusbong ang alaala ng kanilang pag-mamahalan. Dahil likas sa pagma-mahal ang pagdaloy (tulad ng bukal na nag-uumapaw), hindi maaring magtapos sa kamatayan at alaala na lamang ang binhi na nagsimula nang tumubo. Tulad ng tubig na tiyak hahanap ng madadaluyan, ang pag-ibig ay patuloy na maghahanap ng mapag-aalayan ng buhay at biyaya.
Kaya nga’t ang pag-aalay ng buhay ni Jesus ay araw-araw nating ginugunita sa Banal na Misa sapag-ka’t madaling malibang at makali-mot ang tao. Kailangang uli-ulit na inaalaala ang pag-ibig na nagliligtas upang unti-unti ay kumalat, lumalim at lumago ang ugat na maghaha-tid sa atin sa BUHAY na WALANG HANGGAN. Ang ugat na ito’y binu-buhay at pinagtitibay ng Banal na Pakikinabang. Komunyon na nanga-ngahulugan at nagbubunga ng pag-kakaisa at pakikipag-isa sa Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022