Ebanghelyo: Juan 18:1 – 19:42*
(…) Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Jesus ang Kanyang ina at ang kapatid na babae ng Kanyang ina, si Maria ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Jesus sa ina at sa alagad na mahal Niya na naka tayo sa tabi, sinabi Niya sa Ina: “Babae, hayan ang anak mo!” pagkatapos ay sinabi naman Niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyon, tinanggap Siya ng alagad sa Kanyang tahanan.
Pagkaraan nito, alam ni Jesus na ngayo’y natupad na ang lahat. Ngunit kailangang maganap ang Kasulatan, at sinabi Niya: “Nauuhaw ako!” May sisidlan doon na puno ng maasim na alak. Kaya ikinabit nila sa isopo ang isang esponghang ibinabad sa alak at idiniit sa Kanyang bibig. Pagkasipsip ni Jesus ng alak, sinabi Niya: “Natupad na!” At pagkayuko ng ulo’y ibinigay ang Espiritu.
Dahil paghahanda noon, ayaw ng mga Judio na ma-malagi sa krus ang mga katawan sa Araw ng Pahinga sapagkat dakilang araw ang Araw na iyon ng Pahinga. At ipinakiusap nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin.
Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at ng isa pang kasama Niyang ipinako sa krus. Ngunit pagsapit nila kay Jesus, nakita nilang patay na Siya kaya hindi nila binali ang Kanyang mga binti. Gayunma’y sinibat ng isa sa mga sundalo ang Kanyang tagiliran, at biglang may umagos na dugo at tubig. Ang nakakita ang nagpapatunay, at totoo ang Kanyang patunay. At Siya ang nakaaalam na totoo ang sinasabi Niya para maniwala kayo.
Gayon kailangang maganap ang Kasulatan: Walang babaliin sa Kanyang mga buto. At sinasabi ng isa pang Kasulatan: Pagmamasdan nila ang kanilang sinibat.
Pagkatapos ay nakiusap kay Pilato si Joseng taga-Arimatea – alagad nga Siya ni Jesus pero palihim dahil sa takot sa mga Judio – upang maalis Niya ang katawan ni Jesus. At pinahintulutan Siya ni Pilato. Kaya pumaroon Siya at inalis ang katawan Niya. (…)
Pagninilay
Biyernes Santo na sa wikang Ingles ay GOOD Friday. Sa araw na ito nagkaroon ng LIWANAG sa dilim, naging marangal ang Kahoy ng Krus, naging tagumpay ang pagkatalo at kamatayan. Kung hindi naging bahagi ng kalendaryo ng kaligtasan ang Biyernes Santo, patuloy na paulit-ulit lamang ang tao sa pagsisikap, tagumpay at mu ling pagkabigo. Ito ang likas na ikot ng buhay ng tao. Mangangarap, magsisikap, makakamtan ang pinag-sikapan at muling magha hangad ng higit pa. Walang nagta tagal na kasiyahan at walang inaasam na hindi kumukupas. Hindi kailanman malalasap ng tao ang tagumpay na walang maliw.
Sa Unang Pagbasa ay may sug nay na nakakagulat. “Dahil sa pag hihirap ng kanyang kaluluwa, makikita niya ang liwanag at ma-sisiyahan.” Isa 53:11 At sa Ikalawang Pagbasa, “… natutuhan Niya sa kan-yang paghihirap ang pagtalima; at pagkatapos maging lubos at ga nap, Siya ay naging SANHI ng KALIG TASAN ng lahat ng sumusunod sa Kanya.” Heb 5: 8-9
Ito ang buod ng Biyernes Santo: hindi paghihirap, kundi pagtalima; hindi kasiyahan, kundi kaligtasan. Sa pag-iwas sa paghihirap at pagha-hanap ng kasiyahan, nalilinlang at naliligaw ang tao. Kaya nga, kaila-ngan natin ang liwanag at tagumpay ng Banal na Krus.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022