Ebanghelyo: Lucas 24:1-12
Sa unang araw ng sanlinggo, maagang-maagang nagpunta sa libingan ang mga babae, dala ang mga pabangong inihanda nila. Nang makita nilang naigulong na ang bato sa libingan, pumasok sila pero hindi nila nakita roon ang katawan ng Panginoong Jesus.
At habang nalilito sila dahil dito, dalawang lalaking may nakasisilaw na damit ang napakita sa kanila. Sumubsob sa lupa ang mga babae sa takot ngunit kinausap sila ng mga ito: “Bakit sa piling ng mga patay ninyo hinahanap siyang nabubuhay? Wala siya rito, binuhay siya. Alalahanin ninyo ang sinabi niya sa inyo nang nasa Galilea pa siya: ‘Kailangang ibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga makasalanan, ipako sa krus at mabuhay sa ikatlong araw’.” At naalaala nila ang sinabi ni Jesus.
Pagbabalik nila mula sa libingan, ibinalita nila ito sa Labing-isa at sa lahat. Sila sina Maria Magdalena, Juana at Mariang ina ni Jaime. At gayon din ang sinabi sa mga apostol ng iba pang mga babaeng kasama nila. Pero hindi sila naniwala sa kanila kundi inakala nilang guniguni lamang ang lahat ng ito. Gayon pa man, tumindig si Pedro at tumakbo sa libingan; yumuko siya at ang mga telang linen lamang ang nakita, at umuwing nagtataka sa nangyari.
Pagninilay
Ang Kasaysayan ng Kaligtasan: PAGHIHINTAY
Ang magdamagang paghihintay sa Muling Pagkabuhay ng Manunubos na ipinako sa Krus ay isang napakatinding paglalarawan ng kasaysayan ng kaligtasan ng tao. Mula sa paglikha ng mundo at ng tao, naghintay ang Diyos ng tamang panahon ng pagbubunyag ng kaniyang dakilang hangarin. Sa simula pa lamang ay nasira na ang magandang nais Niya para sa tao. Naghangad ang tao ng higit sa nara-rapat sa kanya. Sa kaunting kakaya-han at karunungan ipinagkatiwala sa kanya, akala niya’y mapapantayan niya ang Diyos. Sa hinaba-haba ng pagkakamali ng tao at patuloy na pagwawasto at pagtuturo ng Diyos, ang tao pa ang nakuhang mainip sa pagkilos ng Diyos. Ang tao pa ang nagparatang ng kapabayaan at pagkukulang sa Diyos.
Ang pagdating ni Jesus bilang sanggol ay paanyayang magbalik-tingin sa pinagmulang adhikain ng Diyos: nilikha ang tao upang makaisa Niya sa kaligayahan at kaluwalha-tian. Ang paglaki ni Jesus ay halim-bawa ng pagtalima sa Diyos at ng pagtuklas sa landas ng kalayaan at paghahari ng Diyos. Humantong ito sa pagdurusa at kamatayan na sadyang pagsagip sa taong hindi kayang iligtas ang sarili. Ang ilang araw at sandali mula sa pagkali bing ni Jesus ay maikling paghihintay subalit marami pa rin ang nakuku-hang mainip. Sapagkat ang tagpuan ng Diyos at ng tao ay nakatago sa pagsuko’t pagpapaubaya na ma-hahantungan lamang sa wagas na pagtitiwala.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022