Ebanghelyo: Juan 20:11-18
Nakatayo namang umiiyak sa labas si Maria sa may libingan. Sa kanyang pag-iyak, yumuko siyang nakatanaw sa libingan. At may napansin siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, isa sa may ulunan at isa sa may paanan ng pinaglagyan sa katawan ni Jesus.
Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Ale, bakit ka umiiyak?” Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagay.” Pagkasabi niya nito, tumalikod siya at napansin niya si Jesus na nakatayo pero hindi niya nakilalang si Jesus iyon.
Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ale, bakit ka umiiyak? Sino’ng hinahanap mo?” Sa pag-aakala niyang iyon ang hardi nero, sinabi niya sa kanya: “Ginoo, kung kayo ang nagdala sa kanya, sabihin n’yo sa akin kung saan n’yo siya inilagay at kukunin ko siya.”
Sinabi sa kanya ni Jesus: “Maria!” Pagkaharap niya’y sinabi niya sa kanya sa Aramaiko: “Rabbouni!” (na ibig sabihi’y Guro). Sinabi sa kanya ni Jesus: “Huwag kang humawak sa akin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa Ama. Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila: ‘Paakyat ako sa Ama ko at Ama ninyo, sa Diyos ko at Diyos ninyo.’”
Pumunta si Maria Magdalena na ibinabalita sa mga alagad: “Nakita ko ang Panginoon.” At sinabi niya ang mga sinabi sa kanya.”
Pagninilay
“Nakita ko ang Panginoon!” Ito ang tanging himig na bumabalot sa kasiyahan ni Maria. Anong kaligayahan kaya at gaanong katindi ang tuwa sa puso ni Maria noong araw na yaon? Ang araw ng pagtatagpo ni Maria at ng kanyang Panginoong muling nabuhay ay simula ng bagong ka-hu lugan ng kanyang buhay, bagong gampanin ng pag-ibig sa kan yang Tagapagligtas. Paanong hindi maiiba ang ikot ng kanyang buhay ngayong ang taong inakala nyang naglaho na nang tuluyan ay muli niyang natag-puan? Siya na nagbigay kay Maria ng ibayong pag-asa, ng malalim na pagkaunawa at pagpapahalaga sa buhay ay nag tagumpay ngayon sa pagkabigo at kamatayan. Paanong hindi niya uulit-ulitin at ipanga-ngalandakan, “Nakita ko ang Pangi-noon!”?
Nakita ni Maria – matapos ang mga araw ng pagdadalamhati at pagluluksa; matapos lumabo ang kanyang paningin sa tila hindi maubos-ubos na luha; matapos ang pagnanais na hindi totoo ang mga nakaraang mga karanasan; matapos niyang mapagkamalang hardinero si Jesus – ang Panginoon niya’t Guro! Walang ipinagkaiba sa sarili nating karanasan ng pagkalug-mok at muling pagbangon mula sa pagiging sugatan at makasalanan sa sandaling abutin natin ang pag-papatawad at pagpapala ng Diyos. Ang kaligtasan ay abot-kamay!
© Copyright Pang Araw-Araw 2022