Ebanghelyo: Lucas 17:26-37
Tulad ng nangyari sa panahon ni Noe, ga yundin sa mga araw ng Anak ng Tao. Kuma kain sila at umiinom, nagaasawa ang mga lala ki at mga babae, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang Baha na pumuksa sa lahat. Tulad sa panahon ni Lot: kuma kain sila at umiinom, nagtitinda at nami mili, nagtatanim at nagta tayo. At nang luma bas si Lot mula sa Sodom, nagpaulan ang Diyos mula sa langit ng apoy at asupre na pumuksa sa lahat. Ganito rin sa araw na ibu bunyag ang Anak ng Tao. Sa araw na iyon, huwag nang bu ma ba pa sa bahay ang nasa terasa para kunin ang kanyang mga gamit at huwag nang umuwi pa ang nasa bukid. Alala ha nin ninyo ang asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na magligtas ng sarili ay mawawalan nito, at ang ma wawalan naman ng sarili ang magsisilang nito sa buhay. Sinasabi ko sa inyo: kung may da lawa sa isang higaan sa gabing iyon, da dalhin ang isa at iiwan ang isa pa; kung may dalawang babaeng magkasamang gumigiling, dadalhin ang isa at iiwan ang isa pa.” At itinanong naman nila: “Saan, Panginoon?” Sumagot siya. “Kung nasaan ang katawan, doon nagti tipon ang mga buwitre.”
Pagninilay
Para sa isang Kristiyano, ang pagkamit sa buhay na walang hanggan ay matatamo sa pamamagitan nang paghahandog ng sarili tulad ng pagaalay ni Jesus sa kanyang sarili upang magbigay kaligtasan at panibagong buhay para sa iba. Taliwas ito sa makamundong sukatan na ang mabu ting pa mumuhay ay nasusukat sa yaman, kapangyarihan at implu wensya sa lipunan. Marami sa atin ang nangangamba sa mga ganitong bagay ngunit nakakalimutan nating kahit ang ating buhay sa mundo’y mayroong hangganan. Habang nagiisip tayo sa mga lumilipas na bagay, hindi na natin nabibigyang halaga ang mga makabuluhang bagay na magdadala sa atin ng kaligtasan. Ang ating kalilgtasan ay nangangailangan nang sariling pagsusumikap. Sa araw ng paghuhukom, ang bawat isa’y hahatulan batay sa pagsusumikap nating ta likdan ang mga bagay na lumilipas lamang.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023