Ebanghelyo: Lucas 18:1-8
Dapat laging manalangin at huwag masiraan ng loob – ito ang sinabi ni Jesus sa kanila sa isang talin haga. Sinabi niya: “Sa isang lunsod, may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang pakialam sa mga tao. May isa ring biyuda sa lunsod na iyon na madalas pumunta sa kanya at sinasabi: ‘Igawad mo sa akin ang kataru ngan laban sa aking kalaban.’ Ma tagal siyang umayaw pero naisip niya pag katapos: ‘Wala man akong takot sa Diyos at walang pakialam sa tao, igagawad ko pa rin ang kata rungan sa bi yudang ito na bumu bu wisit sa akin at baka masiraan pa ako ng ulo sa pag puntapunta niya’.” Kaya idinagdag ng Panginoon: “Pa kinggan ninyo ang sinabi ng dimatuwid na hukom. Di ba’t igagawad ng Diyos ang katarungan sa kan yang mga hini rang na arawgabing tumatawag sa kanya? Pababayaan ba niya sila? Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang kata rungan. Ngu nit pag dating ng Anak ng Tao, maka kakita kaya siya ng pananampalataya sa lupa?”
Pagninilay
Isa sa mga pinupuna ng ibang mga paniniwala tungkol sa mga Katoliko ay ang pagdarasal nang pabalikbalik tulad ng pagrorosaryo at iba pang mga dasaling nakasanayan natin. Ang mga dasal na ito’y nagpapamalas sa ating walang tigil na pagsusumamo sa Panginoon, na sa tuwina’y nakikinig sa ating mga panalangin, nang mga nilalaman ng puso natin. Kung ang tagapaghukom sa talinhaga na may matigas na puso ay binigyang pansin ang biyudang pabalikbalik sa kanyang hinihingi, ang Panginoon pa kayang mabuti at maawain ang hindi makikinig sa atin? Sa walang humpay na pananalangin, napapaigting natin ang pagnanasang maipabatid ang laman ng atin g puso patungo sa kalooban ng Diyos. Batid ng Panginoon ang tamang panahon kung kailan ipagkakaloob ang ating mga panalangin at kung makakabuti ba ito para sa atin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023