Ebanghelyo: Mateo 18:1-5, 10
Nang panahong iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at tinanong nila siya: “Sino ang mas una sa kaharian ng Langit?” Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo na hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging katulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Langit. Ang nagpapakababa gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinakamalaki sa kaharian ng Langit. At ang sinumang tumanggap sa batang ito dahil sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin. Huwag sana ninyong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga anghel sa Langit.
Pagninilay
“Mahalaga ang pakikinig.” Ang mga tao ay madalas na gumagamit ng iba’t ibang mga paraan tulad ng kanilang mga titulo, posisyon ng kapangyarihan, kayamanan, o maimpluwensyang mga koneksyon upang makakuha ng isang kalamangan. Ang mga ganitong pangyayari ay madalas
nating makikita sa pang-arawaraw na nangyayari sa ating kapaligiran, tulad na lang ng pagsakay sa pambublikong sasakyan, sa mga pila sa pamilihan, at kahit sa ibat-ibang ahensya o pribadong opisina. At sa ating mabuting balita, binigyan ng diin ng ating Panginoon, ang mga tila walang
halaga, mabababa, maliliit ay itinataas o inilalagay sa unahan, habang ang mapagmataas at makasarili ay ibinababa, at dinadala sa likuran. Samakatuwid, kung tayo ay naghahangad na mauna, dapat nating taglayin ang mga katangian ng maliliit na bata, yakapin ang kanilang pagiging
simple, at masigasig na hangarin na maunawaan at matupad ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba. Sa mga nakaraang taon, naranasan natin sa buong mundo ang “Synodal Consultation”. Mahalaga ang pakikinig sapagkat iyo ay nagbibigay sa atin ng kakayanan upang maranasan natin ang saloobin ng ibang tao.
© Copyright Pang Araw-araw 2025




