Ebanghelyo: Lucas 10:13-16
Sawimpalad ka, Corazin! Sawimpalad ka, Betsaida! Kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sana silang nagdamit-sako at naupo sa abo at nakapagbalik-loob. Kaya magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon kaysa inyo sa araw ng paghatol. At ikaw naman,
Capernaum, dadakilain ka kaya hanggang langit? Hindi! Ibubulid ka sa impiyerno! Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin, at ang ditumatanggap sa inyo ay di tumatanggap sa akin. At ang ditumatanggap
sa akin ay di tumanggap sa nagsugo sa akin.”
Pagninilay
“Ang Diyos ay patas at makatarungan.” Ang ating mga pagbasa ngayon ay nagpapakita na ang Diyos ay patas at makatarungan sa Kanyang paghatol. Alam natin na Siya ay mabuti, mahabagin, maawain, at maamo kung magalit, hindi Niya babalewalain ang laganap na kasamaan ng sinumang indibidwal o grupo. Sa Ebanghelyo, ang Panginoon ay nagsasalita bilang
isang babala sa mga lugar kung saan Siya nagsagawa ng mga himala. Dahil walang nagbago sa kanila matapos tumanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos tulad ng pagpapagaling, nanatiling matigas ang kanilang mga puso. Hindi sila lubusang nagtiwala at sumunod sa kalooban ng Diyos. Huwag tayong magbingi- bingihan at magwalang- bahala, bagkus kumilos tayo at isabuhay ang mga gawa at salita ng ating Panginoon. Siya ay Diyos na nagpapaalala na hangad Niya para sa ating lahat ay kaligtasan, sa kabila ng ating dinaranas na kahirapan. Kung tayo magpapakumbaba at makikinig sa Kanya ating makikilala Siya sa pamamagitan ng ating malalim na pananampalataya. Ang bunga ng sinodo at katuruan ng Santo Papa sa kanyang Sulat Apostolico ay patotoo na hindi tayo iniiwanan ng Diyos, bagkus ramdam natin ang kanyang kabutihan, ang pagiging mahabagin
at ang biyaya ng paggabay sa kanyang kawan.
© Copyright Pang Araw-araw 2025




