Ebanghelyo: Mc 10: 17-30
At nang palakad na siya, isang tao ang patakbong sumalubong sa kanya at paluhod na nagtanong: “Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin para magmana ng buhay na walang hanggan?“ Sumagot sa kanya si Jesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos: Huwag papatay, huwag makiapid, huwag magnakaw, huwag manirangpuri sa kapwa, huwag mandaya, igalang ang iyong ama at ina.“ Sinabi sa kanya ng tao: “Sinunod ko ang lahat ng ito mula pagkabata, ano pa ang kulang ko?“ Kaya tinitigan siya ni Jesus at minahal siya, at sinabi: “Isa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang lahat ng iyo at ibigay sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa Langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.“ Pinanghinaan ng loob ang tao sa salitang ito at umalis na malungkot sapagkat napakayaman niya. Kaya tumingin si Jesus sa paligid at sinabi sa kanyang mga alagad: “Napakahirap ngang makapasok ang mga may kayamanan sa kaharian ng Diyos.“ Takang-taka nga ang mga alagad dahil sa pananalitang ito. Kaya muling sinabi ni Jesus sa kanila: “Mga anak, napakahirap pumasok sa kaharian ng Diyos! Oo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.“ Lalo pang namangha ang mga alagad at nag-usapusap: “Kung gayon, sino ang maliligtas?“ Tinitigan sila ni Jesus at sinabi: “Imposible ito para sa tao pero hindi para sa Diyos; lahat ay posible para sa Diyos.“ Nagsalita naman si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat para sumunod sa iyo.“ Sinabi ni Jesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga paguusig, at sa panahong darating nama’y makakamit niya ang buhay na walang hanggan.
Pagninilay
Ang kabanalan ay ang salitang ginagamit natin sapagkat walang isang salita na maaaring gamitin upang maglarawan ng ganap sa Diyos. Lalo na kung nais nating tukuyin ang kanyang kadakilaan, kapangyarihan at kabutihan. Ang paghahangad sa buhay na walang hanggan ay pagnanais din na maging banal. Ang kabanalan ay ang katangian ng mga nasa langit. Hindi ito maaaring makamit sa pamamagitan ng ating sariling kakayahan. Tanging ang Diyos lamang ang maaaring magkaloob ng kabanalan. Kaya nabanggit ni Jesus na walang mabuti kung hindi ang Diyos lamang. Nagmumula sa Diyos Ama ang lahat ng kabanalan. Ang maaari nating gawin ay hilingin sa Diyos ang kabanalan. Kung nais nating makapasok at makamtan ang buhay ng mga banal, tayo ay makinig sa mga utos ni Jesus upang
© Copyright Pang Araw-Araw 2024





