Ebanghelyo: Lucas 13:10-17
Nagtuturo siya sa isang sinagoga sa Araw ng Pahinga, at may isang babae roon. Labingwalong taon na siyang may espiritung nagbibigay-sakit; nagkakakandakuba na siya at di makatingala. Pagkakita sa kanya ni Jesus, tinawag siya nito at sinabi: “Babae, lumaya ka sa iyong sakit.” Ipinatong nito sa kanya ang mga kamay at agad na nakatayo nang tuwid ang babae at nagpuri sa Diyos.
Nagalit ang pangulo ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pahinga kaya sinabi niya sa mga tao: “May anim na araw para magtrabaho kaya sa mga araw na iyon kayo pumarito para mapagaling, hindi sa Araw ng Pahinga!”
Sinagot siya ng Panginoon: “Mga mapagkunwari, hindi ba kinakalagan ng bawat isa sa inyo ang kanyang baka o asno mula sa sabsaban nito sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin? At isang babae naman ang narito na anak ni Abraham na labingwalong taon nang iginapos ni Satanas. Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?”
Napahiya ang lahat niyang kalaban pagkarinig sa kanya pero nagalak naman ang mga tao sa lahat ng kahangahangang ginagawa ni Jesus.
Pagninilay
Mayroon tayong isang kasabihan na nagsasabing, “Kung kang matinong sasabihin, mas mabuting pang tumahimik ka na lang.” Iniligtas ni Jesus ang isang anak na lalaki ni Abraham sa Sabbath, at nagagalit ang pinuno ng sinagoga sapagkat ipinagbabawal ng kanilang batas na gawin iyon. Sa halip na magpasalamat sa ginawang pagiligtas ni Jesus ay pinangaralan sila. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit inakusahan si Jesus na magsasakdal sa kanya sa kamatayan. Ano ang maramdaman mo kung hindi may mga tao hindi pinapahalagahan ang iyong mga mabuting ginawa at sa halip ay ikaw ay kinukut-ya o gagawan ka nang masamang kwento? Kung naranasan mo ito, mapalad ka. At tulad ka rin ni Jesus na mapayapang gumagawa ng kabutihan kahit ano pa man ang sasabihin ng iba. Makiisa tayo kay Jesus sa paggawa nang kabutihan para sa sangkalupaan at sangkatauhan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021