Ebanghelyo: Mt 9: 14-15
Noo’y lumapit sa kanya ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw
ng ayuno kami at ang mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” Sinagot sila ni Jesus: “Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.
Pagninilay
“A ng buhay ng Kristiyano ay masayang tunay…” Totoo ang pahayag ng awit na ito. Kagalakan ang dating ni Kristo. Siya ang “lalaking ikakasal” na nagdudulot ng kasiyahan sa pagdiriwang. Sa piling niya ay waring dumadalo sa masayang kasalan at walang puwang ang kalungkutan. Christianity is a religion of joy. Bagama’t maraming pagsubok sa buhay- Kristiyano ay mas matimbang pa rin ang mga biyaya. Hindi mabibilang ang mga pagpapalang araw-araw ay bumubuhos mula sa kagandahangloob ng Diyos. Kahit ang mga suliranin ay tinitingnan bilang biyayang nagpapatatag sa kalooban at nagpapaalab sa panalangin. May isa pang paalaala ang ebanghelyo. May kanya-kanyang panahon para sa lahat ng bagay. May panahon ng kalungkutan. May panahon ng kagalakan. May araw na kailangang magluksa. May araw din na kailangang magdiwang at magbunyi. May hapis sa piling na Jesus na nabayubay sa krus. May ligaya kasama niya sa Muling Pagkabuhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2024