Ebanghelyo: Lucas 4:38-44
Pagalis niya sa sinagoga, nag punta si Jesus sa bahay ni Simon. Inaapoy ng lagnat ang biyenang babae ni Simon. Kayat pina kiusapan nila si Jesus tungkol sa kanya. Pag kayuko ni Jesus sa kanya, inutusan ni Jesus ang lagnat at nilisan siya nito. Kaagad si yang tumindig para maglingkod sa kanila. Paglubog ng araw, dinala naman kay Jesus ng lahat ng tao ang kasama nilang mga may sakit ng iba’t ibang karamda man. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinaga ling sila. Lu mabas ang mga demonyo mula sa maraming tao at pasigaw na sinabi ng mga ito: “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit pinata tahimik niya sila at di pinahihintulutang magsalita dahil alam ng mga ito na siya ang Mesiyas. Nang maguumaga na, luma bas si Jesus at pumunta sa isang ilang na lugar. Ngunit pinaghahanap siya ng maraming tao, at nang matagpuan siya’y sinikap nilang hadlangan na ma ka alis pa siya sa kanila. Pero sinabi niya sa kanila: “Dapat ko ring ipahayag ang mabuting balita ng paghahari ng Diyos sa iba pang mga bayan; ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” At nag patuloy siyang mangaral sa mga sinagoga ng Judea.
Pagninilay
Nagpatuloy si Jesus sa pag lalakbay at pagpapahayag ng Mabuting Balita sa pamamagitan nang pagpapagaling sa mga may sakit. Itina boy niya ang mga masasamang espiritu upang ang mga sinasapian ay manumbalik sa normal nilang buhay. Sa pag sikat ng araw, nagtungo siya sa ilang na lugar upang ma na langin. Hindi talaga maga ganap ang paglilingkod kung walang panalangin. Kahit si Jesus na Anak ng Diyos ay naglalaan ng panahon upang makipagugnayan sa Amang nagsugo sa kanya. Samakatuwid, si Jesus ay nanati ling masunurin sa kalooban ng Diyos. Sa ating mga gawaing pangsimbahan, may mga pa nahon na tayo’y nangangamba sa mga bagay upang maging maganda at maayos ang mga ito. Gayunpaman, ang kaayusan sa lahat ng ating pagsusumikap sa Simbahan ay kinakailangang itaas natin sa sa Diyos. Sa mataimtim na pananalangin, humingi tayo nang gabay at biyaya sa Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023