Ebanghelyo: Lucas 8:1-3
Pagkatapos ay naglibot si Jesus sa bawat lunsod at bayan na nangangaral at ibinabalita ang kaharian ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa at ilang mga babae na pinagaling sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinaguriang Magdalena, na nilisan ng pitong demonyo, si Juana
na asawa ni Kusa na katiwala ni Herodes, at si Susana at iba pang naglilingkod sa kanila mula sa kanilang kaya.
Pagninilay
“Hanapin muna ang Kaharian ng Diyos.” “Kayamanan nga ang relihiyon
para sa sinumang nasisiyahan sa kung ano lamang meron siya. Wala tayong dinala sa daigdig na ito, at wala rin tayong mailalabas.” Nang malapit nang mamamatay si Emperor Alexander ng Macedonia, nagbilin siya na sa kanyang libing ang mga sumusunod: ang mga magagaling na doctor ang magdadala sa kanya upang maunawaan ng mga tao na kahit na
magagaling na manggagamot ay walang kakayahang pigilan ang kamatayan ng tao. Ipinag-utos din niya na nakalabas ang kanyang dalawang kamay upang ipaunawa sa mga tao na wala siyang madadalang
kayamanan sa kanyang pagpanaw. Totoo naman na wala tayong madadala sa paglisan natin sa mundong ito maliban sa pagibig na ating ipinadama sa iba at sa pananalig sa Diyos na lumikha sa atin. Para sa ating mga Kristiyano, maliwanag ang habilin ni Jesus: “Mag-impok tayo ng kayamanang hindi nananakaw o nasisira ng tanga…. Hanapin muna ang Kaharian ng Diyos at lahat ng bagay ay ipagkakaloob sa atin!”
© Copyright Pang Araw-araw 2025