Ebanghelyo: Lucas 9:43b-45
Lubos na namangha ang lahat dahil sa kadakilaan ng Diyos. Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Jesus, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Itanim ninyong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at nalingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang magtanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito.
Pagninilay
“Darating ang Panginoon upang iligtas tayo.” “Umawit ka at magalak, Dalagang Sion pagkat dumarating ako upang Manahan sa piling mo.” Dahil sa pagtalikod ng mga Israelita sa Tipanan kay Yawe at pagsamba nila sa mga diyosdiyusan at pagmamalabis sa kanilang kapwa, sila’y iniwan ng Luwalhati ni Yawe. Subalit, ipinahayag ng propeta na magalak na sila sapagkat dumarating na si Yawe upang muling Manahan sa kanilang piling. Ito ang pangako ng “restoration”. Nagkasala na nauwi sa pagpaparusaha sa
kanilang pagkatalo sa mga banyagang mananakop. Naranasan ang malayo sa kanilang mahal na bayan ng Israel, naging alipin walang karapatan, malayo sa kanilang templo sa templo sa Jerusalem. Nagtatanong,
nakalimutan na ba kami ni Yawe? Sa katanungang ito, maliwanag ang sagot: “Magalak ka Sion sapagkat darating na ang Diyos upang manirahan sa iyong piling (restoration).” Kapatid, sa gitna ng mga kapighatian ng buhay huwag tayong susuko, darating ang Panginoon upang iligtas tayo!
© Copyright Pang Araw-araw 2025




