Ebanghelyo: Marcos 8:1-10
Nang mga araw na iyon, marami rin ang sumama sa kanya at wala silang makain. Kaya tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at wala nang makain at kung paalisin ko silang gutom, baka mahilo sila sa daan. Galing pa sa malayo ang ilan sa kanila.”
Sumagot ang kanyang mga alagad: “At paano naman makakakuha ng tinapay para pakainin sila sa ilang na ito?” Tinanong sila ni Jesus: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito.”
Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao, kinuha ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad para ihain; at inihain nila ang mga ito sa mga tao. Meron din silang ilang isda. Binasbasan ito ni Jesus at iniutos na ihain din ang mga ito.
Kumain sila at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso – pitong bayong. Apat na libo ang naroon, at saka sila pinauwi ni Jesus. Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad at pumunta sa lupain ng Dalmanuta.
Pagninilay
Tinanong ni Jesus kung ilan ang tinapay na meron sila. Pitong piraso ng tinapay at kaunting isda. Alam ni Jesus na ka-kaunti lamang ang makakain nito. Pagkatapos niya itong binasbasan, ipinamahagi ang mga isda at tinapay sa mga tao. Lahat ng naroon ay nakakain at hindi sila naubusan.
Naaalala mo ba ang mga pana-hon sa buhay mo na hindi sapat ang kung anong meron ka? Kulang at kawalang kasiyahan ang iyong nararamdaman. Maaaring kulang ka sa pag-ibig, pagkain, oras, o di kaya na man ay walang kasiguradu-han sa trabaho, o sapat na kalinga mula sa iba. Paano ka tumugon sa oras na iyon? Dinala mo ba ang iyong kakulangan sa Diyos upang mapunan niya ito? O sinubukan mo bang punan sa ibang paraan? Sinubukan mo bang gawin ito nang mag-isa? Maraming beses na sinusu-bukan natin punan ang kakulangan na ito ng mga materyal na bagay o tao. At sa huli, nararamdaman pa rin natin na kulang ang mga ito. Ano ang kakulangan na nararanasan mo sa oras na ito sa iyong buhay? Dalhin at ialay natin itong mga nadarama nating kakulangan sa buhay kay Jesus, dahil alam naman natin siya lang ang nakakapuno nito.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022