Ebanghelyo: Mateo 12:38-42
Sinabi noon ng ilang guro ng Batas at mga Pariseo: “Guro, gusto naming makakita ng tanda mula sa iyo.” Sumagot si Jesus: “Isang palatandaan ang hinihiling ng masama at di-tapat na lahing ito ngunit walang palatandaang ibibigay sa kanila, maliban sa palatandaan ni Propeta Jonas. Kung paanong tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng balyena si Jonas noon, gayundin naman tatlong araw at tatlong gabing mananatili sa ilalim ng lupa ang Anak ng Tao. Sa paghuhukom, babangon ang mga taga-Ninive kasama ng mga taong ito at hahatulan ang salinlahing ito sapagkat nagpanibagong-buhay sila sa pangangaral ni Jonas, at dito’y may mas dakila pa kay Jonas. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog, kasama ng mga taong ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon, at dito’y may mas dakila pa kay Solomon.
Pagninilay
Sa kasaysayan ng tao, maraming mga nabuong sekta na naghantay sa pagdating ng katapusan ng mundo. Ma ra ming naniwala at nalinlang. Ang iba’y ipinagbili at ipinamigay ang mga ari-arian at nagtungo sa mga liblib dahil akala nila’y malapit nang magunaw ang mundo. Dahil dito, marami ang mga nabigo. Ang mga pariseo din ay humingi ng mga tanda kay Jesus. Hindi na kaila ngan magbigay ng tanda si Jesus dahil Siya mismo ang buhay na tandang ipinadala ng Diyos. Ngunit dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, hindi nila matanggap si Jesus at nagpaka bulag na lamang. Si Jesus ang tanda, hindi ang katapusan. Siya ang pagkahari sa Kaharian ng Diyos kung saan mayroong kapayapaan, katiwasayan, at pag-ibig. Ngunit dahil sa pagkabulag ng tao, meron pa ring kadiliman sa mundo. Buksan natin ang atin g mga mata at manalig kay Jesus – ang ating pag-asa at kaligtasan. Sa ating pananalig sa kanya, mangyari nawa ang pagbabago sa ating buhay upang mapalapit tayo sa kanyang puso at maging mga buhay na tanda sa paghahari ng Diyos dito sa sanlibutan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023