Ebanghelyo: Mateo 13:44-46
Naihahambing ang kaharian ng Langit sa kayamanang nakatago sa isang bukid. Kung may makakita nito, ibabaon niya ito uli; at dahil sa kanyang kaligayahan, ipinagbibili niya ang lahat niyang ariarian, at binibili niya ang bukid. Naihahambing din naman ang kaharian ng Langit sa isang negosyanteng naghahanap ng magagandang perlas. Pagkakita niya ng isang perlas na napakalaki ang halaga, umalis siya at ipinagbili ang lahat niyang ariarian at binili ang perlas.
Pagninilay
Maraming mga kwento tungkol sa mga taong ga ling sa kahirapan ngunit dahil sa kanilang pagpupunyagi at sipag, kanilang narating ang pangarap sa buhay. May mga tao rin na umasensong biglaan ang buhay sa pamamagitan ng shortcut. Gayunpaman, ang mga bagay na kinukuha sa ma bi lisang pamamaraan ay hindi nagtatagal. Ang talinhaga sa Ebanghelyo ay babala na ang pagkamit sa Kaharian ng Diyos ay mayroong proseso at hindi maaaring mabilisan. Hindi agad kinuha ng tao ang yaman na kanyang natuklasan kahit walang makakakita sa kanya. Kanya itong ibinalik sa lupa at ipinagbili ang kanyang mga ariarian upang bilhin ang lupa kung nasaan ang yaman. Naangkin ng tao ang yaman sa pamamaraang marapat. Ito ang pamumuhay na itinuturo sa ating pananampalataya. Sundin natin ang kalooban ng Diyos sapagkat kahit ang pagsunod sa Diyos ay mayroon proseso at ito’y magpakailanman.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023