Ebanghelyo: Mateo 14:1-12
Nang panahong iyon, umabot kay Haring Hero des ang katanyagan ni Jesus. At sinabi niya sa kanyang mga kasambahay: “Si Juan Bautista siya. Nabuhay si Juan mula sa mga patay kaya nagkakabisa sa kanya ang makalangit na kapangyarihan.” Si Herodes nga ang nagpahuli kay Juan, at nagutos na ikadena ito at ikulong dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo siya puwedeng maging asawa.” Talaga ngang gusto ni Herodes na patayin siya, pero takot siya sa mga tao na kumikilala kay Juan bilang isang propeta. Kaarawan ni Herodes at nagsayaw ang anak na babae ni Herodias, at nasiyahan si Herodes sa kanya. Kaya sinumpaan niya ang isang pangako na ibibigay sa kanya ang anumang hingin niya. At sinabi ng babae ayon sa turo ng kanyang ina: “Ibigay mo rito sa akin ang ulo ni Juan Bautista sa isang bandeha.” Nasaktan ang hari ngunit napanumpaan na niya ang pangako sa harap ng mga bisita kaya iniutos niya na ibigay iyon sa kanya. At pinapugutan niya ng ulo si Juan sa kulungan. inilagay sa isang plato ang kanyang ulo at ibinigay sa babae, at dinala ito ng babae sa kanyang ina. At pagkatapos ay dumating naman ang mga alagad ni Juan at kinuha ang kanyang katawan at inilibing. At pagkatapos ay ibinalita ito kay Jesus.
Pagninilay
Malaki ang paggalang ni Herodes kay Juan na Taga pagbinyag, na kanyang kini kilalang isang propeta. Gayun paman, nagawa niyang ipapatay si Juan dahil hindi niya nais mapahiya sa pangakong binitawan niya sa anak ni Herodias sa harapan ng mga bisita. Ang pagkamayabang ay nakakapatay! Sa kasaysayan, maraming mga tao ang nasa yang ang buhay dahil sa yabang ng mga taong makapangyarihan. Maraming tao ang nabiktima ng pagpatay dahil sa pagmamataas. Kasama na rito ang pagiging makasarili na maaaring mangingibaw sa isang tao. Dahil dito, tingin ng isang tao na siya’y mas higit at may halaga sa iba. Nawa’y hindi yabang kundi pagpapakumbaba ang isabuhay natin dahil ito ang itinuturo ni Jesus. Siya mismo’y nagpakakumbaba at nagtagumpay sa pagaalay ng Kanyang sarili.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023





