Ebanghelyo: Mateo 17:22-27
Minsan nang maglakbay si Jesus sa Galilea kasama ang Labindalawa, sinabi niya sa kanila: “Ibibi gay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Papatayin nila siya ngunit babangon siya sa ikatlong araw.” Kaya lubha silang nalungkot. Nang makapasok na sila ng Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga tagakolekta sa Templo at tinanong nila siya: “Nagbabayad ba ng buwis ang guro ninyo?” Sumagot siya: “Siyempre.” At pumasok si Pedro sa bahay ngunit agad siyang tinanong ni Jesus: “Ano sa palagay mo, Simon? Sino ang nagbabayad ng buwis o parangal sa mga hari ng mundo: ang mga anak ba o ang iba?” Sumagot si Pedro: “Ang iba.” At sinabi ni Jesus: “Kung gayon, disaklaw ang mga anak. Ngunit hindi rin natin dapat saktan ang mga taong ito kaya pumunta ka sa dagat, maghagis ng bingwit at buksan ang bibig ng unang isdang iyong mahuhuli. May pera kang matatagpuan doon, kunin mo iyon at magbayad ka para sa iyo at sa akin din.”
Pagninilay
“Ang anak ng tao’y ipagkakanulo, papatayin… at muling mabubuhay sa ikatlong araw.” Ito ang mga salita na nagdudulot kaguluhan sa mga alagad ni Jesus. Hindi ito madaling tanggapin para sa mga alagad. Gayunpaman, naunawaan din nila ito matapos mamatay at mu ling nabuhay si Jesus. Silang lahat ay nakibahagi sa kalis ni Jesus noong sila’y nagalay ng kanilang sarili bilang martir. Ang pagkamartir ay nagpapatuloy sa Simbahan at pinagtitibay ito sa pamamagitan ng pagalay ng dugo ng mga naghandog nang kanilang sarili upang maging saksi sa pananampalataya. Isa sa kanila si San Maximillian Kolbe, isang pari, na nagalay ng kanyang sarili upang iligtas ang isang pamilyadong lalaki sa concentration camp sa Auschwitz noong panahon ni Hitler. Nailigtas ang lalaki at nakabalik sa kanyang pamilya at nakadalo pa nga ang lalaking ito noong hinirang na banal si San Maximillian. Nawa, ang mga martir ay maging inspirasyon natin sa ibatibang hamon ng ating pananampalataya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023




